Kyline nakisakay sa delivery truck mula Bicol hanggang Maynila para makapag-audition: 'Wala po kasi talaga kaming pambayad sa bus' | Bandera

Kyline nakisakay sa delivery truck mula Bicol hanggang Maynila para makapag-audition: ‘Wala po kasi talaga kaming pambayad sa bus’

Ervin Santiago - June 14, 2023 - 07:33 AM

Kyline nakisakay sa delivery truck mula Bicol hanggang Maynila para makapag-audition: 'Wala po kasi talaga kaming pambayad sa bus'

Kyline Alcantara

“BATA pa lang po ako, bida bida na po talaga ako!” Yan ang walang patumanggang inamin ni Kyline Alcantara patungkol sa pagsisimula ng kanyang showbiz career.

Aminado ang Kapuso young actress at TV host na dumaan din sila sa matinding hirap ng buhay at hindi rin naging madali para sa kanya na matupad ang mga pangarap niya para sa sarili at sa pamilya.

Naichika ni Kyline ang kanyang hirap at sakripisyo sa buhay sa “Fast Talk with Boy Abunda” kahapon kung saan inamin niya na bata pa lang siya ay talagang pangarap na niya ang mag-artista.

At dahil sa kakapusan sa pera ay naranasan nila ng kanyang nanay na makisakay sa delivery truck para makaluwas ng Maynila at makapag-audition.

“Noong bata pa po kasi talaga ako, Tito Boy, kaya sinabi ko po kanina na makapal dapat ang mukha dahil noong bata pa lang po ako, bida bida na po talaga ako,” natatawang chika ng ka-loveteam ni Mavy Legaspi.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ayon pa sa dalaga, 100 percent ang pagsuporta sa kanya ng ina dahil naniniwala raw ito sa kanyang kakayahan at talento, kaya naman gumawa raw talaga ito ng paraan makapunta sa isang audition.

“Nakita ni Mama na mayroon pong pa-audition sa kabilang network before, sa isang show na pambata po doon, tapos nakita niya na nanonood ako and parang gustong-gusto ko po makasali doon sa competition na ‘yon, ginawan niya po ng paraan,” pagbabalik-tanaw ni Kyline.

Baka Bet Mo: Alden sumisid sa dagat para mamulot ng basura sa Batangas; Mavy, Kyline tuloy ang pagpapasabog ng kilig sa ‘Zero Kilometers Away’

Chika ng Kapuso star, talagang nakisakay sila sa isang delivery truck na naghahatid ng gulay sa Maynila na nagmula sa Bicol.

“Wala po kaming pambayad sa bus, kahit po ordinary bus lang, wala po talaga. May palengke po doon sa Bicol, pumunta doon si Mama and nagtanong po siya sa isang tindera, na kaibigan niya po doon, na ‘Uy, meron ka bang mga ipapadala sa Manila?’ And then, doon na po nag-start.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Sumabay po kami sa isang truck na punong-puno ng gulay at may mga kasama kaming boys kasi siyempre po magbubuhat po sila, e,” ang pag-alala pa ni Kyline.

Pero tulad ng ilang sikat na celebrities ngayon, dumaan din ang dalaga sa napakaraming rejections, “It started there. Nag-audition po, maraming rejections, marami rin naman pong sumuporta. I’m thankful po sa lahat ng sumuporta.”

At pagkatapos nga ng kanyang pagsasakripisyo at paghihintay, nagbunga rin ang kanyang pagtitiyaga dahil isa na siya ngayon sa pinakasikat na Kapuso stars.

Nagsimula na nitong Lunes ang pinakabago niyang romcom at kilig series sa GMA na “LUV IS: Love At First Read” kasama si Mavy Legaspi, na napapanood after ng “24 Oras.”

Kyline sumabak sa ‘Divisoria Shopping Challenge’ para sa mga batang may cancer: These kids are fighters!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mavy gumawa ng tula at kanta para kay Kyline; Bea kilig na kilig

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending