Kyline Alcantara umaming iniwasan noon si Mavy Legaspi: 'Hindi po ako sanay na ganu'n 'yung isang lalaki sa akin, grabe po kasi si Maverick!' | Bandera

Kyline Alcantara umaming iniwasan noon si Mavy Legaspi: ‘Hindi po ako sanay na ganu’n ‘yung isang lalaki sa akin, grabe po kasi si Maverick!’

Ervin Santiago |May 10,2023
facebook
share this

Kyline Alcantara umaming iniwasan noon si Mavy Legaspi: ‘Hindi po ako sanay na ganu’n ‘yung isang lalaki sa akin, grabe po kasi si Maverick!’

Ervin Santiago - May 10, 2023 - 07:57 AM

Kyline Alcantara umaming iniwasan noon si Mavy Legaspi: 'Hindi po ako sanay na ganu'n 'yung isang lalaki sa akin, grabe po kasi si Maverick!'

Many Legaspi at Kyline Alcantara

INIWASAN pala noon nang bonggang-bongga ng Kapuso actress at singer na si Kyline Alcantara ang rumored boyfriend niyang si Mavy Legaspi.

Ito’y dahil daw sa nararamdaman niya para sa TV host-actor. Pinilit daw ni Kyline na huwag masyadong seryosohin ang feelings niya para sa binatang anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi.

Mismong si Kyline ang nagbuking sa kanyang sarili nang tanungin siya ng mommy ni Mavy na si Carmina tungkol dito sa nakaraang episode ng “Sarap, ‘Di Ba?”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maverick Legaspi (@mavylegaspi)


Pang-uusisa ni Carmina kay Kyline, “Totoo bang may time na iniwasan mo si Mavy dahil masyado kang na-overwhelm sa nararamdaman mo noon?”

“Totoo po,” diretsahang sagot ng dalaga. Dugtong pa niya, “Nagpapansinan pa rin po pero hindi ko in-entertain ‘yung kung ano mang ibinibigay niya sa akin.”

Sey ng Kapuso Sparkle artist, umiwas siya kay Mavy dahil hindi raw siya sanay sa ganoong klaseng treatment o pakikitungo sa kanya ng isang lalaki.

Baka Bet Mo: Si Kyline Alcantara nga ba ang mystery girl sa buhay ni Mavy Legaspi?

“Kasi po hindi po ako sanay na ganoon ‘yung isang tao or isang lalaki sa akin. Grabe po kasi si Maverick.

“For example, love letters, mga ganyan.  Hindi lang po sa akin, pati rin po sa pamilya ko. Wala pa pong nakakapagtrato sa akin ng ganoon,” paliwanag pa ni Kyline Alcantara.

Dagdag pa niya, “Hindi ko po alam paano siya i-deal.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maverick Legaspi (@mavylegaspi)


Tinanong din ni Carmina si Mavy ay kung binigyan ba niya ng “space” si Kyline nang bigla siyang iwasan ng aktres.

Paliwanag ng TV host at aktor, “Noong una hindi, hindi ako nagbigay ng space tapos napansin ko na nao-overwhelm na siya. Doon na ako nagbigay ng space.”

Ano naman ang naramdaman ni Kyline nang si Mavy naman ang medyo umiwas sa kanya para bigyan siya ng space, “Nakapag-isip-isip po ako, at na-miss ko.”

Sa isang panayam, inamin ni Mavy na siya ang unang nagsabi ng “I love you” kay Kyline, “Ako, ako talaga, ako talaga, ako yung nauna.”

Sabi naman ni Kyline, “Nalaman namin na iba na yung level ng nararamdaman namin, siguro noong iba na yung pakikitungo namin sa isa’t isa.

“I mean, parang best friend pero parang more on, like… alam mo yung meron sense of clinginess, affection, ganu’n. Ayun na yung time na parang lagi mo na siyang hinahanap-hanap.”

Um-agree naman sa kanya si Mavy “Perfect. Tama yung sinabi niya, ayun na yun.”

Beatrice Gomez iniwasan ang mga ‘toxic’ sa socmed habang lumalaban sa 2021 Miss Universe

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mavy gumawa ng tula at kanta para kay Kyline; Bea kilig na kilig

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending