Mavy gumawa ng tula at kanta para kay Kyline; Bea kilig na kilig | Bandera

Mavy gumawa ng tula at kanta para kay Kyline; Bea kilig na kilig

Ervin Santiago |February 07,2022
facebook
share this

Mavy gumawa ng tula at kanta para kay Kyline; Bea kilig na kilig

Ervin Santiago - February 07, 2022 - 04:42 PM

Mavy Legaspi, Kyline Alcantara at Bea Alonzo

KILIG na kilig si Bea Alonzo sa mga bonggang rebelasyon ng Kapuso young couple na sina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi.

Nakachikahan ng award-winning actress sina Kyline at Mavy sa bago nilang collaboration vlog sa YouTube na talaga namang pinusuan ng mga netizens.

Bentang-benta sa madlang pipol ang paglalaro nila ng ’90s board game na Jenga habang nirereplayan ang mga maiinit na questions at gumagawa ng dares o challenges.

Pero ang isang nagmarka, tumatak at nagpakilig sa mga fans ay ang pag-amin ni Mavy na nakagawa siya ng isang tula para kay Kyline. 

Kuwento ng binata, nang matapos niyang sulatin ang tula ay pinalagyan niya ito ng melody sa  kaibigan niyang si Zack Tabudlo para gawing kanta.

“I was in my feelings so super sentimental ako so I was typing this long poem from 5:35 to 6 a.m., right when I hit 6 a.m. I thought of making it into a song so I contacted a friend of mine Zack Tabudlo. 

“I said, ‘There’s a song I want your voice in it.’ So we created the beat, then I sent it to my special someone,'” pagbabahagi pa ni Mavy.

Sundot na tanong naman ni Bea, “Are you going to reveal that anytime soon? Are you going to share that with the public or sa inyo lang ‘yan?”

Mabilis namang sumagot si Kyline ng, “Na-IG (Instagram) story ko na siya actually.” Kinikilig na reaksyon ni Bea, “That’s so sweet!”

View this post on Instagram

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)


Samantala, excited namang ibinahagi ni Kyline na sobra-sobra ang pagiging sweet at thoughtful ni Mavy. May ginagawa rin daw ang binata kapag nakakaramdam siya ng stress at pressure.

“One time, nagpadala siya ng isang malaking bouquet of flowers sa bahay na parang pagkagising ko sabi ko ‘Anong meron?’ tapos sabi niya, ‘I know kasi na that you’re getting stress ganyan.'”

Sa isang panayam, nabanggit din ni Kyline na talagang boyfriend material si Mavy, “For the past two years, lagi siyang nandiyan, sobra as in. Every time na napupunta ako sa rock bottom lagi siyang nandiyan. 

“Ilang beses ko siyang sinasabi na parang, ‘Lagi siyang nandiyan.’ Tapos ngayon ko na-realize na parang, ‘Ah, kaya pala siya laging nandiyan kapag nasa rock bottom ako kasi he’s taking care of me from a distance,'” aniya pa.

Sabi naman ni Mavy, ang isa sa mga nagustuhan niyang quality ni Kyline ay ang pagbibigay nito ng “tough love”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Doon magaling si Kyline sa tough love niya. Pinu-push ka rin ng isang partner mo na…kasi kami rin magla-loveteam, so maganda rin ‘yung pinu-push ka tapos ‘yung sinasabihan ka kung saan ka puwedeng mag-improve. Importante talaga sa akin ‘yung real na tao at si Kyline ‘yon.”

Cassy napa-‘OMG!’ sa litrato nina Mavy at Kyline

Kyline sa ‘panliligaw’ ni Mavy: Nakakadalagang-Filipina, super gentleman!

Kyline pasado kay Carmina bilang dyowa ni Mavy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending