Sey ni Cristy Fermin, Vice Ganda tinatamaan na ng depresyon at anxiety; kinikilabutan kapag naririnig ang mga salitang 'icing' at 'cake' | Bandera

Sey ni Cristy Fermin, Vice Ganda tinatamaan na ng depresyon at anxiety; kinikilabutan kapag naririnig ang mga salitang ‘icing’ at ‘cake’

Reggee Bonoan |August 22,2023
facebook
share this

Sey ni Cristy Fermin, Vice Ganda tinatamaan na ng depresyon at anxiety; kinikilabutan kapag naririnig ang mga salitang ‘icing’ at ‘cake’

Reggee Bonoan - August 22, 2023 - 03:37 PM

Sey ni Cristy Fermin, Vice Ganda tinatamaan na ng depresyon at anxiety; kinikilabutan kapag naririnig ang mga salitang 'icing' at 'cake'

Ion Perez at Vice Ganda

HABANG sinusulat namin ang balitang ito ay inaabangan ng lahat ang verdict na ilalabas ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB para sa programang “It’s Showtime.”

Marami ang nakapanood kay Vice Ganda na napaiyak sa nasabing programa habang nakikipag-usap sa batang kasama nila kaya kitang-kita ma matindi ang pinagdadaanan ngayon ng TV host.

Ito ang main topic ng “Cristy Ferminute” program nina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika ngayong tanghali na napanood sa One PH YouTube channel at napakinggan sa Radyo 5 92.3 TRUE FM.

Simula ni ‘Nay Cristy, “Huy, nalulungkot ako para kay Vice Ganda, tinatamaan na siya ng depression at anxiety. Kaya nga sabi niya, bigyan naman natin ng pagkakataon ang kanilang pagmamahalan ni Ion Perez.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)


“Kapag iiyak siya may katabi siya, kapag nalulungkot siya merong umaaliw sa kanya, kapag gusto niyang sumaya ang nagpapaligaya sa kanya ay si Ion Perez. Alam mo ba ang latest, marinig lang niya ang salitang icing at cake para na siyang kinikilabutan at para na siyang kinakabog,” ani Nay Cristy.

Sabi naman ni Romel Chika, “E, kasi nga ‘Nay di ba, nag-aantay tayong lahat ng kung anong verdict ang matatanggap nila (mula sa MTRCB) sa ginawa nilang ‘yun kaya lahat talaga, kahit sino aligaga.

“Tinitingnan lang nating masaya si Vice pero nag-iisip siya kung anong mangyayari kung bukas ba ay eere pa (It’s Showtime) kami? ‘Yung araw-araw na kinakabahan ka kung anong meron,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Vice Ganda sinorpresa ng ‘Showtime’ family; Ion nangako: Kahit sa kabilang buhay, ikaw ‘yung pipiliin ko

“Alam mo nakakalungkot ‘yan kailangan talagang alagaan niya ang kanyang mental health hindi ‘yan simple talaga kasi kapag ganyan na nadidinig mo palang ang mga salita ay meron ka ng naaalala, ‘yung nangangatog ka na kaagad na marinig mo palang dahilan nakakatakot ‘yun, anxiety, depression.

“Hay naku, pag ‘yan hindi ginamot sa madaling panahon, magtutuluy-tuloy ‘yan (at) magkaka-trauma na siya. Kaya dapat si Vice ay ituon…sabagay kahit naman ituon natin sa ibang bagay, kakambal pa rin natin kahit saan tayo magpunta ang tunay na problema, tumitiim ika nga lalong lumalakim,” paliwanag naman ni ‘Nay Cristy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Binasa rin ng “CFM” host ang mensahe ng kanilang tagapakinig, “Kaya nu’ng umiyak siya sa Showtime nakayakap siya sa husband niya doon sa segment na Little Miss U may pinagdadaanan talaga siya.

“Oo napanood ko ‘to, eh ‘yung sinabi niyang baka hindi na tayo magkita-kita.  Mahirap poi to hindi poi to simpleng problema. Hindi po ito kasing babaw ng iniisip natin kasi unang-una kapag napatawan sila ng matindi at malalim na verdict dito, hindi lang naman sila ni Ion ang magdadala nito may mga kasama silang magsa-suffer din, malalagay din sa alanganin, di ba?

“Nakakalungkot talaga na sa isang kawalan lang ng disiplina ay nag-imbita tayo ng matinding problema parang ganu’n. Kahit pa sabihin pa ng buong mundo na masaya siya ngayon alam niya sa kanyang sarili na may bumabagabag sa kanya kaya siya ay malungkot na malungkot ngayon,” sabi pa.

Binanggit din ni ‘Nay Cristy na base sa kanyang source ay may verdict daw at hindi lang daw alam kung gaano kalalim at kababaw ayaw lang nilang pangunahan ito.

Si Vice ang poste ng “It’s Showtime” kaya ano raw ang mangyayari sa show kapag sakaling ang verdict ay mawala siya.

Nananatiling bukas ang BANDERA sa panig ng “It’s Showtime” at ni Vice Ganda tungkol sa isyung ito.

Vice Ganda hindi lalayasan ang ‘Showtime’: Ang dami ko lang labada at sinampay, I’ll be back soon!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Cristy Fermin kay Kris: Kung ikaw ay may matinding sakit, bakit nakuha mo pa akong i-text nang milya-milya para lang sumbatan ako?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending