Vice Ganda hindi lalayasan ang 'Showtime': Ang dami ko lang labada at sinampay, I’ll be back soon! | Bandera

Vice Ganda hindi lalayasan ang ‘Showtime’: Ang dami ko lang labada at sinampay, I’ll be back soon!

Ervin Santiago |October 13,2022
facebook
share this

Vice Ganda hindi lalayasan ang ‘Showtime’: Ang dami ko lang labada at sinampay, I’ll be back soon!

Ervin Santiago - October 13, 2022 - 07:06 AM

Vice Ganda hindi lalayasan ang 'Showtime': Ang dami ko lang labada at sinampay, I’ll be back soon!

Vice Ganda

NANGAKO ang Phenomenal Box-Office Star na si Vice Ganda sa madlang pipol na babalik at babalik pa rin siya sa “It’s Showtime” ng ABS-CBN.

Siniguro ni Vice sa lahat ng mga nagtatanong at nag-aalala sa kanya na muli siyang mapapanood sa noontime show ng Kapamilya Network.

Halos dalawang linggo na kasing hindi siya napapanood sa programa kaya naman kung anu-ano ang naglalabasang chika sa social media — kesyo nag-resign na raw siya sa show, kesyo sinuspinde siya ng management at may nakaaway daw siya na co-host.

Pero mukhang fake news nga ang lahat ng ito dahil sa naging pahayag ni Vice kamakailan tungkol sa matagal na pagkawala niya sa “Showtime.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)


Nakarating kasi sa TV host-comedian ang nakakatuwang video na ipinost ng social media personality na si AC Soriano, kung saan iyak ito nang iyak dahil matagal na raw na hindi niya napapanood si Vice sa programa nito.

“Nakakaiyak lang kasi magdadalawang linggo nang wala si Meme sa ‘Showtime.’ Hindi ko na alam kung paano tumawa,” hirit ni AC Soriano sa video.

Nang makarating at mapanood nga ito ni Vice, siniguro niya na hindi siya tuluyang mawawala sa programa.

“Awwwwww!!! Dami ko lang labada at sinampay. Naguuulan pa. I’ll be back soon. Love u!” ang tugon ni Vice kay AC.

Wala namang karagdagang detalyeng ibinahagi si Vice tungkol sa issue pero sa ngayon mukhang loaded nga siya sa trabaho dahil bukod sa musical game show niyang “Everybody, Sing!” ay tinatapos pa nila ni Ivana Alawi ang ang pelikulang “Partners In Crime,” na isa sa entry sa 2022 Metro Manila Film Festival.

https://bandera.inquirer.net/284265/vice-umaming-nagkaproblema-sa-pagpapatawa-omg-kinakalawang-yata-ako

https://bandera.inquirer.net/297400/lolit-pinayuhan-si-vice-ganda-ukol-sa-bashers-hayaan-mong-pumutak-sila

https://bandera.inquirer.net/286351/vice-umaming-pumurol-sa-pagpapatawa-ito-yung-effect-sa-akin-ng-pagkakakulong-ko

https://bandera.inquirer.net/312662/vice-ayaw-nang-patulan-ang-pagngawa-ni-juliana-parizcova-kasi-hindi-naman-siya-yung-bina-blind-item

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending