Vice ayaw nang patulan ang pagngawa ni Juliana Parizcova: 'Kasi hindi naman siya 'yung bina-blind item' | Bandera

Vice ayaw nang patulan ang pagngawa ni Juliana Parizcova: ‘Kasi hindi naman siya ‘yung bina-blind item’

Reggee Bonoan |May 05,2022
facebook
share this

Vice ayaw nang patulan ang pagngawa ni Juliana Parizcova: ‘Kasi hindi naman siya ‘yung bina-blind item’

Reggee Bonoan - May 05, 2022 - 06:00 PM

Juliana Parizcova Segovia at Vice Ganda

KAYA pala nanahimik ang “It’s Showtime” host na si Vice Ganda sa mga talak ni Juliana Parizcova Segovia, ang nanalong Miss Q&A sa nasabing noontime show, ay dahil hindi naman pala siya ang tinutukoy sa blind item ng nasabing host.

Matatandaang sa segment ng “Sexy Babe” noong Abril 26 ay may pa-blind item si Vice tungkol sa isang taong matatawag na basher sa social media.

“May kilala rin ako na ganito. Sa totoong buhay, hindi naman siya toxic talaga pero basher siya sa social media.

“Tapos, nalaman ko kasi troll siya. Trabaho, kasi wala siyang pera, e. So, ‘yon yung ng effect, ginawa niya yun, kumapit siya du’n kahit mali kasi kailangan niya ng pera dahil naghihirap siya.

“Kaya sabi ko sa iba naming kaibigan, huwag niyo nang patulan, di ba? Masakit man, pero yun ang epekto sa kanya ng kahirapan. Kinailangan niyang gawin yun, di ba?

“Hindi man katanggap-tanggap, pero siguro wala na siyang choice. Mabait naman ‘yan, e, pero ngayon, magugulat ka talaga yung mga post niya, tapos nalaman namin troll pala siya.

“Umabot na siya sa ganoon samantalang dati, sabi ko, kapag walang pera yun, super pa-Gcash. Nagpapa-Gcash sa mga bakla na, ‘Teh, pa-send naman kasi wala talaga.’

“E, ngayon, siyempre siguro lahat napa-Gcash na niya, kumapit na sa pagiging troll, at marami pong ganyan, ha?” ang litanya ng komedyante.

Supporter si Juliana nina dating Sen. Bongbong Marcos at Sara Duterte ng UniTean habang sina Vice President Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan naman ang iboboto ni Vice kaya siguro naisip ng una na baka siya ang pinatamaan ng TV host.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Juliana Parizcova Segovia (@juliana_parizcova)


Umabot pa kay Direk Darryl Yap ang isyung ito dahil naikuwento ni Juliana at hindi naman daw siya nanghingi o nagpa G-cash sa kahit na sinong kaibigang beki ni Vice. At kahit na anong payo ng mga kaibigang humingi ng tulong kay Vice ay hindi niya nagawa dahil hindi naman sila close.

Payo ni direk Darryl kay Julianna, “Kung gayon, ‘wag ka nang magpaapekto. Iniisip n’ya na kalaban ka nya…You are the size of your enemy.

“Giginhawa rin ang buhay mo at ang naramdaman mong pangmamaliit ngayon ay ang pinakamalaking paalaala sayo na hindi ka hihinto hanggang maging matagumpay ka.”

At nitong Huwebes ng madaling araw ay natuldukan na nga na hindi si Juliana ang bida sa blind item ni Vice Ganda base sa pahayag ni Ogie Diaz sa kanyang “Showbiz Update” YouTube channel kasama sina Mama Loi at Ate Mrena.

Ayon kay Ogie, “Marami pa ring naggigiit na si Julianna Parizcova ang tinukoy ni Vice Ganda nu’ng nagsalita siya sa It’s Showtime.

“Ito’y pinabulaanan ni Juliana Parizcova nu’ng makarating sa kanya na marami ang nagkokomento na baka siya ang tinutukoy ni Vice,” sabi ng talent manager at vlogger.

Hirit naman ni Mama Loi, “Di ba ‘nay (tawag ni Mama Loi kay Ogie) nag-a-apply din dito ‘yung rule of thumb mo pagdating sa blind item na pag hindi naman binanggit ang pangalan mo, bakit mo aakuin?  Nakakahiya naman doon sa taong tinutukoy?”

Sabi rin ni Ogie, “Kapag feeling mo hindi naman ikaw ang tinutukoy ‘wag mo angkinin ang blind item, kawawa naman ‘yung totoong may-ari?

“Pero sa pagkakataong ito ‘yung kay Vice Ganda hindi si Juliana Parizcova ang tinututukoy ni Vice Ganda. Ako na ang nagsasabi sa inyo (at) sinabi sa akin kung sino ‘yun at oo nga nu’ng tsinek ko, oo nga. Nagto-trolling.

“Kaya siguro si Vice Ganda nagtataka kung bakit nagre-react hindi naman siya ‘yung tinutukoy,” sabi pa ni Ogie.

At kaya hindi raw nagre-react si Vice ay dahil, “Naintindihan ko siya kung career wise kung ako ang manager ni Vice sasabihin ko, ‘wag mo nang patulan ‘yan, dedma ka kasi hayaan mo siyang mag-react, mag’isip nang mag-isip basta ang bottom line hindi siya ‘yun.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang payo ni Ogie, “Juliana Parizcova sorry to tell you, hindi ikaw ang tinutukoy ni Vice Ganda.  Mapanatag na loob mo, huwag ka nang masyadong magsasagot kung alam mo naman sa sarili mo na hindi ka nanghihingi through G-cash, unless gusto mong patulan (dahil) nag-e-enjoy ka. Kaya dedma na Juliana, hindi ikaw ‘yun.”

Juliana Parizcova Segovia may bwelta sa kasamahang sasampalin daw siya: Tuparin mo po yan!

Lamang ni Juliana Parizcova sa ibang gay comedian: Ako yung balanse yung mukha, pero walang ngipin!

Juliana Parizcova natatakot ipakilala ang dyowa sa publiko, ayaw gayahin sina Vice Ganda at Chad Kinis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending