Ivana Alawi totoong nagkasakit: Pero wala po akong cancer!

Ivana Alawi totoong nagkasakit: Pero wala po akong cancer!

Ervin Santiago - March 07, 2025 - 09:16 PM

Ivana Alawi totoong nagkasakit: Pero wala po akong cancer!

Ivana Alawi

TIGAS sa pagtanggi ang Kapamilya actress at isa sa top vloggers sa Pilipinas na si Ivana Alawi sa chikang meron siyang cancer.

Nakachikahan ng BANDERA at ilang piling miyembro ng entertainment media si Ivana sa kanyang pa-thanksgiving ngayong araw, March 7 sa isang bagong resto sa Quezon City.

Dito niya nilinaw ang balita na na-diagnose umano siya ng isang uri ng cancer na nagsimula sa prediction ng kilalang psychic na si Rudy Baldwin.

Sa panayam ng veteran broadcast journalist na si Korina Sanchez-Roxas sa programa nitong “Rated Korina”, nabanggit ni Rudy Baldwin na may nakikita siyang isang vlogger na nag-aartista rin na tatamaan ng cancer na magreresulta sa kanyang pagkamatay ngayong taon.

Paglalarawan ng psychic sa sikat na content creator – maganda raw ito at sexy. Foreigner daw ang tatay nito. Sey pa ni Rudy, nagkaroon na raw noon ng health problems ang vlogger pero nalagpasan niya ito.

“Bigla siyang nag-shutdown,” sey ni Rudy hanggang sa nagkaroon na nga raw ng cancer ang katawan nito dahil hindi na nagamot.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


At kahit daw maraming pera ang vlogger, hindi na nito maisasalba ang kanyang buhay, “Hanggang doon na lang talaga siya, wala na akong nakikitang kadugtong.”

Pahayag ni Ivana, “Walang katotohanan na nagka-cancer ako. Hindi yun true, huwag kayong mag-alala.”

“Actually, ito lang, noong last week, nagkatrangkaso. Kasi, kapag sunud-sunod talaga ang trabaho. So far, yun pa lang. I’m much better now,” aniya pa.

“Yung mama ko, nag-alala du’n. Sabi ko, ‘Ma, huwag kang mag-alala, wala tayo niyan,’” sabi pa ng dalaga.

Dagdag ng vlogger, “Wala namang makakapag-predict kung kalian ka mawawala. At saka it’s nothing that we should be scared of kasi lahat tayo makakarating do’n. Ang makakaalam lang ay ang Diyos. Okay ako.”

Inamin naman ni Ivana na totoong nagkasakit siya nang medyo malala, “It took a month to recover. Tapos yun, bawal kumilos, bawal mag-gym kaya siguro nagkalaman ako. Pero happy naman ako, wala akong pakialam diyan, basta healthy, yun ang importante sa akin. Ayun, wala na akong sakit.”

Sa tanong kung ano ang mga na-realize niya after tamaan ng karamdaman, “Lahat ng materyal, lahat ng pera… pakasaya ka sa buhay mo.

“Kapag kinuha ka ni Lord, wala kang maisasama. Yung mga bag mo, mga pera mo, hindi mo maisasama kaya enjoy-in mo lang and surround yourself with your loved ones,” ani Ivana.
Matatandaang isinugod si Ivana noong Nevember, 2025 sa ospital, “May problem ako sa ovaries and that’s how it started. And I also have PCOS, doon siya nagsimula.”

Isinalaysay ni Ivana kung ano ang mga ininda niya sa katawan at kabilang na nga riyan ‘yung pagkakaroon ng tubig sa kanyang tiyan, “I got fluid in my stomach na sobrang napuno na siya.

“Day by day habang nasa ospital ako, umaangat nang umaangat ‘yung fluid sa tiyan ko. Mukha akong five months pregnant…basta ang laki niya.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Patuloy ng aktres, “It grew day by day tapos ‘nung padulo na, parang patigas na siya nang patigas. Tapos ‘yung sakit, hindi na ako makahinga. Konting lakad ko lang, parang hihimatayin ako. Nanlalamig na ‘yung buong body ko tapos tumitirik daw ‘yung eyes ko.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending