Cristy Fermin may pa-blind item sa aktres na may mga paso

Cristy Fermin may pa-blind item sa kilalang aktres na nagising na may mga paso ng sigarilyo sa braso, binti: ‘Paano nangyari ‘yun?!’

Reggee Bonoan - October 13, 2023 - 05:51 PM

Cristy Fermin may pa-blind item sa kilalang aktres na nagising na may mga paso ng sigarilyo sa braso, binti: 'Paano nangyari 'yun?!'

Cristy Fermin, blind item

MUKHANG kilala na ng lahat ng nakapanood ng “Showbiz Now Na” vlog nina Nanay Cristy Fermin, Romel Chika kasama si Wendell Alvarez kung sino ang kilalang personalidad na nagising siyang punumpuno ng paso ng sigarilyo ang braso at binti.

Bungad ni ‘nay Cristy, “Medyo maselan po mga ka-tsika ang una naming item ngayon, ito po ay dadaan sa isang paraan na hindi po namin papangalanan kung sino ang sangkot sa usaping ito na pinagpipiyestahan ng buong bayan ngayon.  Pero kayo na rin po ang makakaalam kung sino siya at kung ano ang naganap sa nakaraan niyang buhay.”

Ipinakita sa video ng SNN ang larawan ng hita at binti na may mga bilog-bilog na itim na sanhi ng paso ng sigarilyo.

“Paso ‘yun ng sigarilyo na bilog-bilog?  Parang sa fraternity,” sambit ni ‘nay Cristy.

Baka Bet Mo: Neri Miranda maagang nagising para sa bagong laban ng buhay: ‘Happy Labor Day! May off ba ang mga nanay?’

“Anong ginawa ro’n?” tanong ni Romel Chika.                        

Opinyon pa ng tatlo na madaanan ka lang ng paso ng sigarilyo ay ang sakit-sakit na.

“Ito puspos ang dami, tabi-tabi,” diin pa ni nanay Cristy.

Dagdag pa, “marami po ang nagtatanong kung paano nangyari ito sa buhay ng kilalang aktres?  Ito po ba ay self destruction na tinatawag? Siya ang gumawa sa sarili niya o mayroon ibang tao na gumawa no’n para magkasugat-sugat siya?”

Katwiran naman ni Romel Chika na kung ang taong iyon mismo ang gagawa sa sarili niya ay isang paso pa lang ay bibitaw na dahil nga masakit ito.

“Oo masakit masyado!  Sisigaw ka, susuko ka!  Hindi mo na uulitin dahil ang sakit, eh,” opinyon pa ni nanay Cristy.

“At paano nagawa ito?  Kung nasa ulirat ka magagawa ito?” katwiran naman ni Romel Chika.

“Siyempre hindi! Maaring may ginawang paraan para mapaso o masunog ‘yung balat ng aktres na hindi na siya sisigaw dahil hindi niya mararamdaman, tulog siguro siya,” paniniwala ni ‘nay Cristy.

Posibleng ginamitan daw ng anesthesia para pampamanhid, paniniwala ni Wendell na sinang-ayunan naman nina Romel Chika at Nanay Cristy.

Kaya ang tanong ni Romel Chika, “sino ang nagpatulog at sino ang gumawa?”

Kasi nga imposibleng gising at nasa ulirat ang aktres habang pinaso ang balat niya kaya tiyak na tulog daw ito.

“Kaya nga, ‘yan siguro ang paglalabanan sa korte kasi nga nagising na sa katotohanan ang aktres na kailangan niyang ipaglaban ang kanyang karapatan.  Abangan po natin, dito n’yo po napanood (at) narinig ‘yung tungkol po sa paso at sunog sa binti at hita ng isang female personality at kung paano naganap ito ay hindi rin po namin alam.

“Sila na po ang bahalang magsabi ng kanilang mga lihim kung paano naganap ang lahat,” pahayag ni ‘nay Cristy.

Hindi na nagbigay ng clue kung sino ang kilalang aktres at kahit may ideya kami ay hindi rin namin papangalanan dahil gusto naming sa mismong may katawan manggaling ang kanyang kuwento.

Related Chika:

Rayver Cruz naaksidente sa gym, napuruhan ang kanang binti

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Joross Gamboa: Thank You Lord for a successful operation!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending