Cristy Fermin kay Vice: Huwag kang balat-sibuyas kung kasing-kapal ng repolyo ang mukha mo | Bandera

Cristy Fermin kay Vice: Huwag kang balat-sibuyas kung kasing-kapal ng repolyo ang mukha mo

Therese Arceo |January 25,2022
facebook
share this

Cristy Fermin kay Vice: Huwag kang balat-sibuyas kung kasing-kapal ng repolyo ang mukha mo

Therese Arceo - January 25, 2022 - 04:50 PM

Cristy Fermin kay Vice: Huwag kang balat-sibuyas kung kasing-kapal ng repolyo ang mukha mo

MULI na namang nagsalita ang kolumnistang si Cristy Fermin si Vice Ganda sa kanyang digital show na “Cristy Ferminute” kasama si Romel Chika.

Aniya, si Vice raw ay tulad rin ni Kris Aquino na mismo raw naglalahad ng kwento ng buhay nila sa madlang pipol.

Dagdag pa ni Romel Chika, kung wala naman talagang alam ang mga tao sa kanila kung hindi sila nagpo-post ng mga bagay tungkol sa kanila na siyang pinag-uusapan ng mga “Marites”.

Mukhang mag kaugnayan pa rin ito sa pahayag ni Manay Lolit Solis ukol sa “power tripping” diumano ni Vice sa kaninang noontime show na “It’s Showtime”.

Ani ‘Nay Cristy, bagamat naa-appreciate ni Manay Lolit ang pagwawasto sa kanya ng co-host ni Vice na si Jugs Jugueta ay tila nagpasaring pa rin si Vice sa kanilang show.

“Huwag kang nagiging balat sibuyas kung kasing kapal na ng repolyo ang mukha mo. Nagbabalat sibuyas ka pa, nagagalit ka pa kapag ang Marites pinagpipistahan ka. E bakit ka magagalit, dun lang naman sila kumukuha sa post mo?” diretsahang saad ni ‘Nay Cristy.

“Kung gaano ka kayaman, sino binilhan mo ng bahay, anong nabili mo ay kung paano kayo magmahalan ni Ion Perez.

Anong malay ng publiko sa buhay mo? Sa ‘yo yan nanggagaling kaya huwag nagbabalat sibuyas kung kasing kapal ng kung ano anong gulay ang mukha.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)

“Tigilan mo ang pagpo-post tungkol sa sarili mo at kay Ion, at kung ano ang kayamanang nasa iyo. Wala ka ring matitikman na kahit ano mula sa mga Marites,” dagdag pa niya.

Sey rin ni Romel, isa ang mga “Marites” sa mga sukatan kung in o relevant pa ba o hindi na ang isang artista.

Hirit ni ‘Nay Cristy, “Yun nga ang gustung-gusto niya eh. Labas siya nang labas ng ganyang mga items dahil gusto niyang maramdaman na nasa gitna pa rin siya ng entablado at siya ay kailangan pa ng publiko.”

Kasalanan rin daw ng TV host-comedian kung bakit siya pinagpipiyestahan ng madlang pipol.

“Tigilan mo yan. Ang makakapagpagaling lang sa sakit [na nararamdaman] mo, ikaw mismo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Wala kang sakit na mararamdaman mula sa mga sa mga Marites. Ikaw ang nagbubukas ng pintuan ng buhay mo. Isarado mo yan, wala kang mababasang kahit na ano,” dagdag pa niya.

Related Chika:
Cristy Fermin dinepensahan si Lolit Solis: Sino namang nasa tamang pag-iisip ang magsasabi na naiinis siya kay Vice?
Jugs Jugueta pinagtanggol si Vice Ganda; Lolit Solis sumagot

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending