Neri Miranda maagang nagising para sa bagong laban ng buhay: ‘Happy Labor Day! May off ba ang mga nanay?’
MAAGANG nagising ngayong araw, Labor Day, ang aktres at matagumpay na negosyanteng si Neri Miranda.
Agad na bumati ang wifey ng Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda sa lahat ng manggagawang Pinoy, partikular na sa mga working nanay tulad niya.
Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Neri ang litrato ng kanilang library at nagsabing napakasarap daw talagang gumising nang maaga, lalo na kapag marami siyang trabahong dapat tapusin.
Sabi ng tinaguriang wais na misis sa inilagay niyang caption sa kanyang IG post, “Good morning! Happy Labor Day! May off ba mga nanay? Hahahaha!
View this post on Instagram
“Dito muna ako tumatambay sa mini library kong makalat, haha! Sarap talagang gumising ng mas maaga at tulog pa lahat.
“Tahimik ng bahay. Mas marami akong natatapos kapag mas maaga. Ginagawa ko na ang Weekly Meal Menu,” pahayag ng super successful entrepreneur.
Baka Bet Mo: Mga manggagawa may ‘libreng sakay’ sa LRT-2, MRT-3 ngayong May 1
Ang iba pang ginawa ni Neri sa kanilang bahay sa pagsisimula ng araw, “Check the pantry kung ano pang kulang. Ayusin ang library dahil halo halo na mga books!
“Tapusin ang 2 school reports at powerpoint at reporting ako this week. Last edit ng Wais Na Misis Book.
“Ayusin ko ang to do list ko this week at monthly schedule naming pamilya para alam ang kaganapan araw araw. Brain storming ng mga posible negosyo (yes, gusto ko palagi akong aligaga),” ang pagbabahagi pa ng asawa ni Chito.
View this post on Instagram
Pagpapatuloy pa niya, “Haaaaay. Ang dami pang need tapusin! Pero mas gusto kong palaging productive ang araw ko kase sabi ni Chito, di raw ako mapakali kapag nagpapahinga ako at walang trabaho o need gawin that day.
“Feeling ko kase parang may kulang, parang may mali.
“Anyway, tapusin ko na ang Weekly Meal Menu. Baka kakadaldal ko rito, wala akong masimulan.
“Tayong mga Wais sa buhay, maagang gumigising para sa pamilya!” ang sabi pa ni Neri Miranda.
Bea namigay ng pera sa mga kasambahay, delivery rider para sa Labor Day
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.