Neri Miranda naiiyak habang binabasa ang ginawang libro: 'Grabe pala ang pinagdaanan ko sa buhay, pero I'm glad naka-survive' | Bandera

Neri Miranda naiiyak habang binabasa ang ginawang libro: ‘Grabe pala ang pinagdaanan ko sa buhay, pero I’m glad naka-survive’

Ervin Santiago |April 25,2023
facebook
share this

Neri Miranda naiiyak habang binabasa ang ginawang libro: ‘Grabe pala ang pinagdaanan ko sa buhay, pero I’m glad naka-survive’

Ervin Santiago - April 25, 2023 - 07:24 AM

Neri Miranda naiiyak habang binabasa ang ginawang libro: 'Grabe pala ang pinagdaanan ko sa buhay, pero I'm glad naka-survive'

Neri Miranda

SUPER excited na ang actress-entrepreneur na si Neri Miranda sa paglabas ng kauna-unahan niyang libro na may titulong “Wais Na Misis: The Wise Homemaker Book.”

Sa Instagram account ng wifey ni Chito Miranda, ibinalita niya na malapit na malapit nang mabasa ng madlang pipol ang pinaghirapan niyang libro.

Maglalaman ito ng mga naging karanasan at mga challenges na pinagdaanan ni Neri bilang isang asawa, ina, negosyante at iba pang role na ginagampanan niya sa tunay na buhay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nerizza Miranda (@mrsnerimiranda)


Ang caption ni Neri sa kanyang IG photo,  “Etoooo na ang Wais Na Misis: The Wise Homemaker Book! Konting konti na lang at ready to publish na!

“Thank you @penguinbookssea for the trust!

“As I read each page, naiiyak ako. Grabe pala pinagdaanan ko sa buhay? Hahaha! Naiiyak na natatawa kase nakaya ko yun?

“Pero I am glad naka survive sa buhay at ngayon mas wais sa mga desisyon sa buhay kasama ang buong pamilya.

Baka Bet Mo: Ate Guy matapang na ibabandera ang makulay at madramang buhay; Direk Adolf Alix shookt sa rebelasyon ng Superstar

“Excited na akong i-share sa inyo ang journey ko sa pagiging Wais sa buhay. Sana magustuhan nyo po,” sabi pa ni Neri gamit ang mga hashtag na #WaisNaMisis, #WaisNaMisisBook at #Wais.

Nagkomento naman ni Chito sa post ng pinakamamahal niyang misis, “Excited na ko!!! Sana gawing movie. Si Neri Naig ang gaganap (magaling yun, maganda pa…6th placer sa PBB SCQ Edition).”

Nauna rito, ipinost din ni Neri ang official statement ng publishing company na maglalabas ng ginagawa niyang libro. Ang nakasaad dito, “We are excited to announce Neri Miranda’s debut book – WAIS NA MISIS: The Wise Homemaker.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nerizza Miranda (@mrsnerimiranda)


“Our Publisher @noranazerene says: ‘Penguin Random House SEA believes in publishing stories that have the potential to change lives, not just of authors but also of the readers.

“We are fortunate to have Neri Miranda telling her story through us and sharing her invaluable lessons from life with readers looking for a real and relatable story and for inspiration to navigate challenges in life.’

“This comprehensive guide is for all mompreneurs who want to thrive in the challenging yet fulfilling world of motherhood and entrepreneurship,” ang sabi pa sa announcement.

Samantala, todo naman ang pasasalamat nina Neri at Chito sa CEO at president ng Beautéderm Corporation na si Rhea Tan nang bisitahin nila ito sa Pampanga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nerizza Miranda (@mrsnerimiranda)


Ipinost ng mag-asawa sa kanilang IG page ang litrato nila kasama si Ms. Rei na may caption na, “Visited my Ate @missrheatan sa HQ nya sa Clark @alistavenue.

“Thaaaaaank you, Ate, sa warm welcome. Super bitin kwentuhan pero babalik kami! Pramis!

“Excited na akong gamitin ang ‘dream bag’ ko thaaaaank you! Super bait din ng mga staff! Ang bango bango pa ng HQ! Super nice ang buong building. Congratulations, Ate! Idol talaga!

“Ang napansin ko, mababait ng mga Kapampangan! Ay oo nga pala, Kapampangan napangasawa ko, hehe!

“Ang ganda ganda sa Clark, pramis! Siguradong babalik kami!” pangako pa ni Neri sa kanyang IG post.

Neri Miranda may payo sa mga kapwa nanay: Pahinga lang tapos laban ulit!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Neri Miranda minaliit ng ilang netizens: Nagtinda rin po ako ng mais, pusit at BBQ sa Mines View

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending