Neri Miranda may payo sa mga kapwa nanay: Pahinga lang tapos laban ulit! | Bandera

Neri Miranda may payo sa mga kapwa nanay: Pahinga lang tapos laban ulit!

Therese Arceo |November 05,2022
facebook
share this

Neri Miranda may payo sa mga kapwa nanay: Pahinga lang tapos laban ulit!

Therese Arceo - November 05, 2022 - 03:14 PM

Neri Miranda may payo sa mga kapwa nanay: Pahinga lang tapos laban ulit!
NAGBIGAY ng mensahe ang dating aktres at “wais na misis” na si Neri Miranda sa kanyang mga kapwa nanay na araw-araw nagtatrabaho para sa kanilang pamilya.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya na short ngunit punung-puno ng encouragement message niya sa mga kapwa ilaw ng tahanan.

“In case no one has told you lately, you are a great mom!” pagbabahagi ni Neri.

Dagdag pa niya, “Kapit lang mga nanay! Makikita rin nila ang value at sacrifices natin para sa kanila. Isang mahigpit na yakaaaaaaap! Nahihirapan pero hindi susuko. Labaaaaaaan lang palagi. Pahinga lang tapos laban ulit. Malalampasan din yan!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nerizza Miranda (@mrsnerimiranda)

Marami naman sa mga netizens ang nagpasalamat sa post ng asawa ni Chito Miranda dahil nakaka-relate ang mga ito at nag-share na rin sila ng experiences bilang mga supermoms.

Saad naman ng isa, “Aw thank you ma’am Neri, I’m an OFW wife and a Mom of 3 kids. 6 months si bunso, at hatid sundo ko ng ebike ang 2 anak kong elementary students . Sobra hirap gampanan sabay maging nanay at tatay kasi malayo mister ko, kaya ako lahat nakilos, buti na lang nabasa ko to ngayong umaga.”

“I choose to be a full time mom and it’s not really easy (as in literal) But doing all this for my kids it’s priceLess. Thank you for this message. Yes mahirap pero hndi susuko para s mga anak! Laban lang,” comment ng isang netizen.

“Korek momshie Neri..first time mom! mahirap nkakapagod pero bwal sumuko lalong lalo n bwal mapgod para saken baby.pag ng smile at nkikipg kulitan hay wla lahat ng pagod, puyat at hirap,” sey pa ng isa.

Matatandaang nakilala rin ang dating aktres bilang “wais na misis” dahil sa kanyang galing at kaalaman hindi lang sa pagiging nanay kundi maging sa galing nito sa pagnenegosyo at pagpapalago ng pera.

Sa katunayan, kamakailan lang nang ibahagi ni Neri na ipinasok niya sa bangko ang perang ng kanyang anak na si Cash mula sa mga regalong ibinigay ng mga ninong at ninang nito. Kumuha na rin siya ng investment at insurance plans na nakapangalan sa anak.

Rason niya, “Para kapag seniors na sila, di sila maghihintay ng ibibigay ng mga magiging anak nila.. kukunin na lang nila sa insurance nila. O di ba? Sobrang advance ako mag isip? Hanggang sa pagiging senior nila, gusto ko naka ayos na, WAIS eh! at ituturo ko rin sa mga anak namin na ganun din ang gagawin para sa mga anak nila para mas panatag sila na magiging ok ang kinabukasan ng mga bata.”

Related Chika:
Neri Miranda minaliit ng ilang netizens: Nagtinda rin po ako ng mais, pusit at BBQ sa Mines View

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Neri Miranda binili ang magsasarang salon sa Tagaytay para hindi mawalan ng trabaho ang mga empleyado

Hugot ni Neri para kay Chito: Wala talagang bilib ‘tong asawa ko sa akin, kontra bulate na naman!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending