Hugot ni Neri para kay Chito: Wala talagang bilib 'tong asawa ko sa akin, kontra bulate na naman! | Bandera

Hugot ni Neri para kay Chito: Wala talagang bilib ‘tong asawa ko sa akin, kontra bulate na naman!

Ervin Santiago |April 04,2022
facebook
share this

Hugot ni Neri para kay Chito: Wala talagang bilib ‘tong asawa ko sa akin, kontra bulate na naman!

Ervin Santiago - April 04, 2022 - 07:04 AM

Neri Miranda at Chito Miranda

ALIW na aliw at bumilib na naman ang mga netizens sa pagiging certified wais na misis ng aktres at super successful entrepreneur na si Neri Miranda.

Ibinahagi ng asawa ni Parokya ni Edgar frontman Chito Miranda ang bagong negosyong pinasok nila kung saan bidang-bida naman ang kanilang mga alagang baboy.

Sa pamamagitan ng Instagram, ibinalita ni Neri sa mga netizens na malapit nang maging pera ang napakaraming baboy na kanilang inaalagaan.

“Yung tinanong ko kung sino ang malakas kumain sa kanila, tinalikuran ako,” simulang kuwento ng aktres.

Patuloy pa ni Neri, “Ilang weeks na lang at ready na ang mga baboy. Bebenta ko to sa palengke, hehe! Kailangan ko na ring bumili ng inahin at mga biik ulit! Yung wala sanang spots.

“Nagulat si Chito at nabuhay daw lahat ng biik na nabili ko. Usually daw may namamatay. Sabi ko, bakit mamamatay agad?

“Minsan ganu’n daw. Wala talagang bilib tong asawa ko sa akin, hahahaha! Kontra bulate na naman! Pero kapag may inihaw na liempo yan at bbq, siguradong siya ang mauunang kumuha sa ihawan,” pahayag pa ng matagumpay na negosyante.

Aniya pa, “Excited na akong mabalik ang inilabas ko at kumita kahit papaano. Sabihan ko kayo next time kung magkano naging puhunan ko dito at kung magkano kinita ko. Baka sakaling makatulong sa mga gustong mag piggery.

“Nakapag ani na rin pala ako ng palay at pinakiskis ko na at nang maging bigas. Maliit lang pala ang kita sa bigas.

“Post ko rin yun next time para sa lahat din ng gustong magtanim ng palay. At para malaman nyo na napakalaking hirap ng mga magsasaka natin para sa ating bigas.

“Sila ang pinakalugi dahil bilad na nga sa araw, napakababa pa ng kita,” sey pa ng misis ni Chito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda)


Pahabol pa niyang mensahe, “Ang buhay probinsya. Legit na masaya. Hindi madali ang buhay pero simple lang at tunay na masaya. Kung ikaw ay probinsyana, be proud!”

Neri may nakakalokang kuwento nang mag-dinner date sila ng asawa: Haaaaaay, Chito! Classic ka talaga!

Chito muling pinuri ang asawa: Napakaganda ni Neri, medyo weird, pero sobrang bait!

Bakit nga ba ‘nawala’ si Chito at ini-report sa pulis ng pamilya at mga kaibigan noong 2010?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending