Neri Miranda hindi ikinahihiya ang pangongolekta ng kaning-baboy sa edad na 10: 'Proud ako na nagawa ko yun!' | Bandera

Neri Miranda hindi ikinahihiya ang pangongolekta ng kaning-baboy sa edad na 10: ‘Proud ako na nagawa ko yun!’

Ervin Santiago - April 12, 2023 - 08:53 AM

Neri Miranda hindi ikinahihiya ang pangongolekta ng kaning-baboy sa edad na 10: 'Proud ako na nagawa ko yun!'

Neri Miranda at Chito Miranda

“PALAGING tandaan, napapagod man tayo pero hindi susuko!” Yan ang paalala ng aktres at matagumpay na negosyanteng si Neri Miranda sa lahat ng taong patuloy na lumalaban sa buhay.

Binalikan ng wais na misis ng Parokya ni Edgar vocalist na si Chito Miranda kung saan nagsimula ang kanyang pagiging “entrepreneur” na talaga namang nabigyan na niya ngayon ng katuparan.

Ayon kay Neri, tandang-tanda pa rin niya hanggang ngayon yung panahong araw-araw siyang nangunguha at nangongolekta pa siya ng kaning-baboy sa kanilang mga kapitbahay.

Sa kanyang Instagram account, nagkuwento ang celebrity mom tungkol dito at binalikan ang nakaraan na naging dahilan ng tagumpay na tinatamasa niya ngayon pati na ng pamilya niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nerizza Miranda (@mrsnerimiranda)


“Nagmumuni muni… napa-isip na lang…
Yung panahong nangunguha ako ng kaning baboy sa mga kapitbahay namin sa Subic,” simulang pagbabahagi ni Neri.

Pagpapatuloy pa niya, “Yung literal na pinagsama samang pagkain na puno ng tubig at sabaw, babad na tinapay, kanin, tinapong pagkain na nakalagay sa timba sa labas ng kusina.

Baka Bet Mo: Kuya Kim inisa-isa ang ibig sabihin ng mga suot na singsing

“Ayun ang kinukuha ko sa kanila. I was 10 years old. After school, yun ang ginagawa ko, nangongolekta ng kaning baboy para pangkain sa mga alaga naming baboy ng nanay ko.

“Wala pa kaming pambili ng darak sa tindahan that time,” sey pa ng wifey ni Chito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nerizza Miranda (@mrsnerimiranda)


Dagdag pa ni Neri, “Never ko kinahiya yun. Proud ako na nagawa ko yun. Dun pala magsisimula ang pagiging entrepreneur ko.

“Hindi ko pa man alam that time, I was 10, pero isa yung experience na yun na masasabi kong one of the best memories nung childhood ko,” sey pa niya.

Dugtong pang pahayag ni Neri, “Aba, ilang kabataan ang makakasabi na nangongolekta sila ng kaning baboy?
Kung isa ka man dun, apir! Be proud!

“Galing natin! Naka-survive tayo at patuloy lumalaban para sa pamilya. Mabuhay ka!

“Palaging tandaan, napapagod man tayo pero hindi susuko,” sabi pa ng successful businesswoman.

Heart feeling ‘stress at pagod na pagod’ sa pag-attend ng mga fashion week

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vice sa laging pag-o-overtime ng ‘Showtime’: Nakakahiya…walang kadisi-disiplina ang mga kasamahan ko!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending