Heart feeling 'stress at pagod na pagod' sa pag-attend ng mga fashion week | Bandera

Heart feeling ‘stress at pagod na pagod’ sa pag-attend ng mga fashion week

Ervin Santiago - November 16, 2022 - 12:04 PM

Heart feeling 'stress at pagod na pagod' sa pag-attend ng mga fashion week

Heart Evangelista

NAPAPAGOD at nai-stress din ang Kapuso actress na si Heart Evangelista sa pag-attend at pagrampa niya sa mga international fashion events.

Inamin ng fashion icon na hindi rin madali ang pinaggagagawa niya sa mga pinupuntahang fashion week lalo na sa Europe dahil talagang kinakarir nga niya ito magkaroon ng malakas na impact.

Sa isa niyang YouTube vlog, mapapanood ang pagbabahagi ng aktres tungkol sa mga naging kaganapan sa pagpunta niya sa Milan Fashion Week noong November 9.

Ipinakita nga ng Kapuso star kung gaano kahirap at katindi ang ginagawa niyang preparasyon kapag naiimbita siya sa isang fashion event.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)


Aniya, dalawa hanggang tatlp lamang ang kasama niya lagi kapag umaalis ng bansa para magtrabaho at magpaka-fashionista — yan ay ang kanyang mga stylist at videographer.

Sa nasabing vlog, sinabi ni Heart kung gaano katindi ang “stress” na naranasan niya sa pagpunta sa Milan Fashion Week na sunod-sunod ang fashion shows.

Sabi ni Heart, kung minsan ay nakakaranas din siya ng sobrang stress at “pagod na pagod.”

Pahayag pa ng aktres, “We go to fashion week because it’s our work.

“Aside from the fact that it’s very fun, aside from the fact that I started fashion week because I was trying to be creative with my time,” dagdag pa niya.

Sabi pa ni Heart, bukod sa pagdadamit, pag-aayos, pagpili ng mga bongganh OOTD ay sume-segue pa sila sa mga shoots, pictorial at interview.

Daniel nai-stress sa pagsabak ng mga magulang sa politika, payag bang mangampanya?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ai Ai naglagas ang buhok dahil sa stress; sa US planong magpabakuna kontra COVID-19

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending