Neri Miranda ibabandera ang mga sikreto bilang 'wais na misis' sa ilalabas na libro, tinawag na 'survival guide' para sa kababaihan | Bandera

Neri Miranda ibabandera ang mga sikreto bilang ‘wais na misis’ sa ilalabas na libro, tinawag na ‘survival guide’ para sa kababaihan

Ervin Santiago - April 02, 2023 - 06:51 AM

Neri Miranda ibabandera ang mga sikreto bilang 'wais na misis' sa ilalabas na libro, tinawag na 'survival guide' para sa kababaihan

Neri Miranda

NGAYON pa lang ay abangers na ang nga fans at social media followers ng aktres at celebrity mom na si Neri Naig sa bago niyang pasabog.

Siguradong mas marami pang matutulungan at mai-inspire na kababaihan, lalo na ang mga nanay, kapag nailabas na ang kauna-unahan niyang libro, ang “WAIS NA MISIS: The Wise Homemaker”.

Dito, mas makikilala pa ng madlang pipol ang wifey ng Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda, bilang asawa, ina, estudyante at super successful na negosyante.

Ang “WAIS NA MISIS: The Wise Homemaker” ay nakatakdang i-release later this year mula sa international publishing company na Penguin Books.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nerizza Miranda (@mrsnerimiranda)


Sa official Instagram account ng Penguin Books nitong nagdaang March 28, in-announce na nga tungkol sa bonggang libro ni Neri. Narito ang kabuuan ng kanilang IG post.

“We are excited to announce Neri Miranda’s debut book – WAIS NA MISIS: The Wise Homemaker.

Baka Bet Mo: Ryan winner sa ‘best wedding proposal ever’; idinaan sa libro ang pagtatapat kay Juday

“Our Publisher @noranazerene says: ‘Penguin Random House SEA believes in publishing stories that have the potential to change lives, not just of authors but also of the readers.

“We are fortunate to have Neri Miranda telling her story through us and sharing her invaluable lessons from life with readers looking for a real and relatable story and for inspiration to navigate challenges in life.’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nerizza Miranda (@mrsnerimiranda)


“This comprehensive guide is for all mompreneurs who want to thrive in the challenging yet fulfilling world of motherhood and entrepreneurship,” sabi pa sa official statement ng nasabing publishing company.

Inilarawan pa nila ang unang libro ni Neri bilang “survival guide for every woman’s journey through motherhood and entrepreneurship.” Magbibigay din dito ang aktres ng mga tips at advice about life mula sa kanyang personal experiences.

In fairness, talaga namang maituturing na LODI (idol) si Neri pagdating sa pagkakaroon ng happy family at matagumpay na negosyante.

Bukod sa mga na-acquire nila ni Chito na mga ari-arian at iba’t ibang business, nakapagpundar na rin sila ng ilang properties para sa kanilang mga anak, kabilang na riyan ang mga condo unit ng mga bagets.

Neri Miranda may payo sa mga kapwa nanay: Pahinga lang tapos laban ulit!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ate Guy matapang na ibabandera ang makulay at madramang buhay; Direk Adolf Alix shookt sa rebelasyon ng Superstar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending