Ryan winner sa 'best wedding proposal ever'; idinaan sa libro ang pagtatapat kay Juday | Bandera

Ryan winner sa ‘best wedding proposal ever’; idinaan sa libro ang pagtatapat kay Juday

Ervin Santiago |February 20,2022
facebook
share this

Ryan winner sa ‘best wedding proposal ever’; idinaan sa libro ang pagtatapat kay Juday

Ervin Santiago - February 20, 2022 - 12:08 PM

Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo

KAKAIBA rin pala ang naging gimik ng “Eat Bulaga” Dabarkads na si Ryan Agoncillo para sa marriage proposal niya kay Judy Ann Santos.

Sabi nga ng fans at mga supporters nila ni Juday, kung may award para sa “best wedding proposal ever” ay siguradong siya na ang winner!

In fairness, isa sa mga celebrity couple na talagang hinahangaan at nagsisilbing inspirasyon para sa ibang mga magdyowa sa showbiz ay ang relasyon nina Juday at Ryan na mahigit 12 years nang nagsasama ngayon.

View this post on Instagram

A post shared by Ryan Agoncillo (@ryan_agoncillo)


Maraming naaliw at na-inspire sa kuwento nina Ryan at Juday tungkol sa kanilang loce story nang sabay silang ma-interview ni Karen Davila para sa vlog nito sa YouTube.

Pero ang talagang pinusuan at ni-like ng mga netizens ay ang ginawang libro ni Ryan para kay Judy Ann.

“She was doing a film called ‘Ploning’ at that time sa Dumaguete, sumama ako para mag-take ng pictures and ang request niya is I make a book out of the BTS (behind the scenes) photos,” simulang paglalahad ng TV host-actor.

Sinunod naman daw ni Ryan ang  request ni Juday na sumulat ng libro at ito nga ang ginamit niyang pagkakataon para mapasagot ng “yes” ang aktres.

“So I did produce that book and the book was launched but nakalagay doon sa dulo ng book that people can buy ‘Maligayang kaarawan, Judy Ann, sana ay magustuhan mo’ that’s for all the books.

“Then I had one book printed saying ‘Will you marry me?’ That’s what I gave her on her birthday and may singsing na kasama,” pagbabahagi pa ni Ryan.

Sa nasabi ring interview nabanggit ni Juday na ramdam niyang parang may kulang sa buhay niya noon hanggang sa dumating nga si Ryan sa buhay niya.

“I prayed for a partner who would show me what life is and then when Ryan came along, I saw na this is the life that I’m missing, this is the life that I want simple lang naman akong paligayahin e,” ang pag-amin ng TV host.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ikinasal sina Ryan at Juday noong 2009 at biniyayaan ng tatlong anak – sina Yohan, Lucho at Luna.

Juday ipinagdasal ang pagdating ni Ryan: Ito pala ‘yung feeling na niyayaya kang mag-date, dinadalaw ka sa set

Judy Ann masaya sa COVID-19 vaccine experience ng mga anak: All in kami!

Juday dumiskarte para walang matanggal na empleyado: OK lang kahit walang kitain…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending