Ate Guy matapang na ibabandera ang makulay at madramang buhay; Direk Adolf Alix shookt sa rebelasyon ng Superstar
IN-ANNOUNCE na ng Superstar na si Nora Aunor na tuloy na tuloy na ang paglabas ng libro na naglalaman ng kanyang inspiring, madrama at makulay na buhay.
Pagkatapos ikuwento sa mga miyembro ng entertainment media ang isang makabagbag-damdaming eksena sa kanyang buhay noong kanyang kabataan, kinumpirma nga niyang planado na ang nasabing libro.
Nakachikahan namin si Ate Guy sa story conference ng bago niyang pelikula, ang “Pieta” kung saan makakasama niya sina Gina Alajar at Alfred Vargas sa direksyon ni Adolf Alix, Jr..
Kuwento ni Ate Guy, siguradong maraming malalaman at matututunan ang madlang pipol sa ilalabas niyang libro na magkakaroon ng tatlong version.
Makakatuwang ng National Artist si Direk Adolf sa pagbuo ng kanyang libro. Aniya, “For now kasi it’s her story, so kanya lang. Sabi nga niya kanina, di ba, so kung ano ang buhay niya, sino ang mga nakasama niya sa buhay niya, yun na muna yun.
“In her own words. I mean, her own story. Kumbaga, version niya yun ng buhay niya. So kung ano yun, yun muna ang tatrabahuhin namin.
“Sabi nga niya, kumbaga totoo namang nangyari yun. So, wala naman sigurong repercussion in terms of it’s her story. So, kung ano lang yung kuwento niya, yun lang ang ise-share,” paliwanag ni Direk.
Feeling ba ni Direk magiging kontrobersyal ang nasabing libro? “Hindi ko pa alam ang ibang… oo nga, e. Oo nga.
“Kaya unti-unti muna kung ano yung ano. Siyempre babasahin naman niya, e. So, kung yun ang gusto niyang ilabas, eventually yun ang ilalabas namin.
“Alam naman siguro ng industriya kung sino yung mga naging ka-partner niya, sino yung mga naging karelasyon niya.
“So, siya na yun. Kasi kuwento niya e. Basta sabi lang niya, ‘Magkukuwento ako, tapos tingnan natin later.’ Hanggang naaalala pa niya,” aniya pa.
So far daw, wala pang pinatatanggal si Nora sa mga unang ilalaman ng book, “May mga narinig na kaming, ‘Ohh, ganu’n pala yun?!’ Kasi, hindi ko rin siya ka-generation. Ako, fan din ako ni Ate Guy.
“Ngayon, nalalaman ko, ganun pala yun. So interesting. I think it would be an interesting piece.
“So far, wala pa naman siyang sinasabi na, ‘Ito, huwag nating isulat.’ Wala pa naman siyang pinipigil. Kung ano ang mga intriga, parang kasama naman, nandu’n.
“Pero parang hindi naman yun ang focus niya. Ang importante sa kanya, maikuwento niya yung kuwento niya, e. May mga lessons. Siyempre kasama dun, may mga hindi maiiwasan.
“Siyempre kasama du’n yung mga kuwento na na-down siya. Ang ganda rin kasi kung paano niya hinaharap.
“So far, ang napagkuwentuhan namin, andoon na sa Guy & Pip. Siyempre may anecdotes din siya na bumabalik siya sa present e. Dahil kuwentuhan, balik-balik, past, present, past, present. So, medyo madami na,” sabi pa ni Direk.
May rebelasyon na ba si Nora na ikinawindang niya, “Meron. Hindi naman nakaka-shock dahil weird. Pero siyempre hindi ko alam yun bilang hindi ako ipinanganak nu’ng panahon na yun.
“Ako’y ano lang, so parang, ‘Ahh ganun pala yun, ito ang sistema nung araw.’ May mga ginagawa pala silang pelikula pala noong araw na sabi niya, parang music video lang tapos pelikula pala yun.
“Ah, isang araw lang sinu-shoot tapos pelikula na, tapos kumikita. Tapos sabi niya, parang isang linggo… anim? Anim na pelikula na yung natapos niya, tapos hindi niya alam. Kumakanta lang naman siya,” dugtong ni Direk.
Naibahagi rin niya kung paano nagsimula ang paglalabas ng libro ng Superstar, “Nagkukuwentuhan po kasi kami nung pandemic. Ang dream daw niya kasi, gumawa ng libro. Hindi lang niya alam kung paano gagawin.
“So, sabi ko, ‘Ang importante, Ate Guy, kasi kuwento mo siya, ikaw yung magkuwento.’
“So, ang ginagawa namin, nire-record namin yung kuwento niya. We have questions. Tapos ita-translate lang yun. So, kung ano yung sinabi niya, word for word, ita-translate,” sabi pa niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.