Jo Berry nakapagpasalamat bago tuluyang pumanaw si Nora Aunor

Jo Berry nakapagpasalamat bago tuluyang pumanaw si Nora Aunor

Ervin Santiago - April 28, 2025 - 12:25 AM

Jo Berry nakapagpasalamat bago tuluyang pumanaw si Nora Aunor

Jo Berry at Nora Aunor

FOREVER na tatanawin na utang na loob ng Kapuso actress na si Jo Berry ang pagpayag ng namayapang Superstar na si Nora Aunor na makasama siya sa kauna-unahan niyang teleserye sa GMA 7.

Isa si Jo sa napakaraming celebrities na  nakiramay at nagbahagi ng kanyang eulogy sa pagpanaw ng National Artist for Film and Broadcast Arts noong nakaburol pa ito sa Heritage Park sa Taguig City.

Hinding-hindi raw makakalimutan ng aktres ang kabutihan at pagiging generous sa kanya ni Ate Guy nang magkasama sila sa first ever series niya sa GMA, ang “Onanay.”

Si Ate Guy ang gumanap na nanay ni Jo sa naturang serye kung saan talagang mag-ina na talagang ang naging turingan nila sa tunay na buhay.

Muli nagkasama sina Ate Guy at Jo sa hit legal-serye na “Lilet Matias, Attorney at Law” na isa rin sa pinakamatagumpay na afternoon drama ng Kapuso Network nitong mga nagdaang taon.

Sabi ni Jo sa panayam ng GMA, talagang ikinalungkot at ikinabigla niya ang pagpanaw ni Nora na itinuring na rin niyang parang ikalawang nanay.

Kuwento ng aktres, kahit paano’y naibsan ang kanyang pagdadalamhati dahil nagawa raw niyang makapagpasalamat kay Ate Guy bago ito namaalam.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Nalungkot ako talaga kasi sinabi ko rin po ‘yun sa kanya, na napakalaki ng kontribusyon niya sa career na mayroon ako ngayon,” ani Jo.

Sumakabilang-buhay si Nora noong April 16 dahil sa acute respiratory failure. Inihatid naman siya sa huling hantungan noong April 22 sa Libingan ng Mga Bayani.

Samantala, muling mapapanood si Jo bilang si Atty. Lilet sa GMA primetime series na “Mga Batang Riles.”

Kamakailan nga ay naglabas ng bagong teaser ang serye kung saan marami ang humuhulang ang Kapuso actress na si Jo Berry ang isa sa mga pinakabagong karakter na papasok sa kuwento.

Siya nga ay gaganap bilang Atty. Lilet Matias, isa sa mga remarkable characters na ginampanan ng aktres. Paano kaya niya matutulungan ang mga tao sa Sitio Liwanag? Papanig ba ang hustisya sa mga api o sa mga Viktor pa rin ang tagumpay?

Excited na nga ang mga fans at netizens sa pagpasok na ito ni Jo Berry. Sey ng isang netizen, “Exciting talaga tong Mga Batang Riles eh kasi daming bagong cast ang dumadating.”

Patuloy naman ang pagtaas ng ratings ng inaabangang serye gabi-gabi sa primetime kasama sina Miguel Tanfelix, Bruce Roeland, Raheel Bhryia, Anton Vinzon, at Kokoy De Santos.

Sey ni Jo, “Kaya pala ‘di pa ko makabitaw kasi mayroon pa pala.

Excited na si Miguel sa pagpasok ni Jo sa serye,”‘Yung mga taong pinagdadamutan ng karapatan, ng hustisya, siya ‘yung magtatanggol. Nandiyan si Atty. Lilet para ipaglaban kami.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napapanood ang “Mga Batang Riles”, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime, at 10:30 p.m. sa GTV.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending