Bea sa mga taong mahilig mang-ghosting: Mali ‘yun, masakit ‘yun...sana irespeto mo rin ‘yung tao kapag iniwan mo | Bandera

Bea sa mga taong mahilig mang-ghosting: Mali ‘yun, masakit ‘yun…sana irespeto mo rin ‘yung tao kapag iniwan mo

Ervin Santiago |July 13,2022
facebook
share this

Bea sa mga taong mahilig mang-ghosting: Mali ‘yun, masakit ‘yun…sana irespeto mo rin ‘yung tao kapag iniwan mo

Ervin Santiago - July 13, 2022 - 07:30 AM

Gerald Anderson at Bea Alonzo

BINIGYAN ng advice ni Bea Alonzo ang Kapamilya actress na si Francine Diaz tungkol sa lovelife at pakikipagrelasyon.

In fairness, kung may isang female celebrity na may karapatang magbigay ng payo sa mga kabataan pagdating sa relationship issues, yan ay walang iba kundi si Bea.

Sa bagong vlog ni Francine, natanong ang Kapuso actress kung ano ang mga advice na maibibigay niya sa mga kabataan pagdating sa usaping love.

“Just keep it real and take it easy. Don’t play games. I don’t like that. Kapag nagpahabol ka tapos gustong-gusto mo naman ‘yung tao, you may send a wrong message na baka ‘di mo siya gusto. Hindi mo nirerespeto pagkatao niya,” pahayag ni Bea.

“That’s what I lost before. I have learned from that experience. You always have to set your boundaries kung saan ka na hindi nirerespeto.

“At kailangan lagi mong kilala ‘yung sarili mo at may tinitira ka sa sarili mo kapag nagmamahal ka,” chika pa ng dalaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)


Pinaalalahanan din ni Bea si Francine na huwag na huwag magpapa-pressure sa mga taong magdidikta sa kanya kung kailan siya dapat magkadyowa at pumasok sa seryosong relasyon.

“There will come a time na darating din ‘yung tao na para sa ‘yo na gugustuhin ka at ilalagay ka sa pedestal,” ani Bea.

At tungkol nga sa isyu ng “ghosting,” o yung mga taong basta na lang iniiwan ang dyowa nang walang pasabi o explanation, may mensahe rin si Bea sa lahat ng gumagawa nito.

“Mali ‘yun. Masakit ‘yun. Be man or woman enough to at least break up. Alam mo ‘yun? To say goodbye. Kasi sana nirerespeto mo rin ‘yung tao kapag iniiwan mo. ‘Yun lang naman ‘yun. Bigyan mo ng respeto ‘yung relasyon ninyo.

“Be brave enough to say goodbye. Kaya ‘wag tayo dun sa mga duwag magpaalam. Ginusto mo ‘yun eh, ‘wag kang duwag,” aniya pa.

Matatandaang kinumpirma ni Bea na bigla na lang siyang iniwan ng kanyang ex-boyfriend na si Gerald Anderson. Wala raw itong ibinigay na paliwanag sa kanya kung bakit siya iniwan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa ngayon, super happy na si Bea sa piling ng boyfriend niyang aktor na si Dominic Roque habang maligaya na rin si Gerald sa kanyang dyowa na si Julia Barretto.

Dennis Padilla hanga sa sinabi ni Ivana; pinatatamaan kaya sina Julia?

Cristy Fermin kinontra si Barbie: Dapat tanggapin niyang siya ang iniwan

Love advice ni Sue kay Diego: May kanya-kanya tayong preferences pag dating sa love

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending