Robin malalim ang 'Labor Day' hugot; manloloko binanatan | Bandera

Robin malalim ang ‘Labor Day’ hugot; manloloko binanatan

Ervin Santiago |May 01,2020
facebook
share this

Robin malalim ang ‘Labor Day’ hugot; manloloko binanatan

Ervin Santiago - May 01, 2020 - 08:21 PM

ROBIN PADILLA

MALALIM ang hugot ni Robin Padilla sa pagdiriwang ng buong bansa ng Labor Day ngayong araw.

Partikular na tinukoy ng action star ang mga amo o employer na walang ginawa kundi ang manglamang ng  kapwa at lokohin ang kanilang mga manggagawa.

Nag-post ng artcard si Binoe sa kanyang Instagram bilang pag-alala sa Araw ng Mangagagawa, at dito inihalimbawa niya ang isang taong “cheater”.

“If you cheat on someone that was willing to do anything for you, you actually cheated yourself out of true loyalty,” ang mensahe sa artcard na ibinahagi ni Robin.

Nilagyan pa niya ito ng caption na,  “Kung ano ang iyong tinanim ay siya mo ring dapat na aanihin.

“Kapag iba ang ang nakinabang sa hirap mo at hinayaan ng iyong pinagsisilbihan na maibsan ang ibang sikmura sa iyong inihain na pagkain malinaw na kataksilan ito sa iyong pagtitiwala at kawalan ito ng paggalang sa iyong katapatan. 

“Ang paghingi ng nararapat na para sa iyo ay hindi kalabisan at kawalan ng katwiran lalot hindi lamang pawis at dugo ang inalay kundi ang isip puso at kaluluwa. 

“Maligayang araw ng manggagawa sa mga tapat at parehas na mga naninilbihan at amo,” pahayag pa ni Binoe.

Marami naman ang sumang-ayon sa mister ni Mariel Rodriguez at nagsabing sana nga ay mabasa ng mga walang kuwentang employer ang kanyang post para makunsensiya ang mga ito sa mga hindi makataong ginagawa nila sa mga manggagawa na nagpapayaman sa kanila.

Samantala, mukhang dedma lang si Binoe sa hugot naman ng kanyang kapatid na si BB Gandanghari na naglabas ng sama ng loob sa kanilang pamilya.

O, baka naman hindi pa ito nakakarating sa aktor kaya wala pa siyang kasagutan? O, pwede ring ayaw nang palakihin pa ni Binoe ang issue kaya mananahimik na lang siya sa mga hugot ni BB.

Kung matatandaan, inamin ni BB na  masama ang loob niya sa kanyang pamilya sa Pilipinas dahil feeling niya wala nang pakialam ang mga ito sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mag-isang naninirahan si BB (dating Rustom Padilla) sa Amerika at doon na nagtatrabaho. Kamakailan ay may lumabas na fake news na patay na siya at inamin niyang natakot siya sa balitang ito pero na-hurt din siya dahil ni isang kapamilya niya ay walang tumawag o nag-message sa sa kanya para kumustahin siya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending