Esnyr nasaktan sa paratang ng ama na 'pasarap buhay' sa Maynila

Esnyr nasaktan sa paratang ng ama, gustong mabayaran ang utang ng pamilya

Therese Arceo - April 02, 2025 - 09:38 PM

Esnyr nasaktan sa paratang ng ama, gustong mabayaran ang utang ng pamilya

MABIGAT pala ang dinadala ng silat na social media personality na si Esnyr Ranollo sa likod ng kanyang mga kwelang ipinapakita sa publiko.

Sa latest episode ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab” ay nagkaroon ng activity ang mga housemates kung saan nag-open ito tungkol sa lamilya at sa hirap na dinadala.

Hindi naman kataka-taka na maging emosyonal si Esnyr kahi na nagsula ito sa pagpapatawa sa kapwa housemates.

Nagsimula ang kilalang personalidad na gumawa ng content sa social media noong panahon ng pandemya kung saan kumikita siya noong una ng P5,000-P10,000.

Baka Bet Mo: Sparkle artist Shan Vesagas umamin tungkol kay Esnyr: We go out

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Sobrang little things lang hanggang sa palaki nang palaki. Hanggang sa may opportunity ako rito sa Manila. Doon pala magsisimula ‘yong problem ko sa family ko,” lahad ni Esnyr.

Noong nasa Maynila na raw siya ay tumawag sa kanya ang kanyang pamilya at ibinalitang makukulong ang kanyang ama dahil sa kanilang utang.

Sumakto naman na ang perang makukuha ni Esnyr ay sakto sa halaga ng utang ng kanyang ama kaya ibinigay niya ito huwag lamang kunin ang kanilang ama.

“Since medyo malaki ‘yong binayaran ko para lang hindi makulong ang father ko, kumayod ako. Tinanggap ko lahat ng brands. Everyday gumagawa ako ng script, mag-eedit ako, magsho-shoot ako.

“Sobrang busy ko that time na nagme-message sila papa sa akin, monthly sila nagme-message, ‘saan na ‘yong pera’. Tapos hindi ako nakapag-reply,” lahad ni Esnyr.

Dahil daw doon ay nakatanggap siya ng mensahe na nagdulot ng sakit sa kanya na hindi niya inaasahan.

Naiiyak na sabi ni Esnyr, “Doon ko unang natanggap ‘yong unang message ng papa ko sa akin na ‘Grabe ka magpasarap sa buhay mo d’yan. Kaya mo makita ‘yong parents mo na naghirap. Pero sige lang, gusto kong malaman mo na mabubuhay kami kahit wala ka’.

“Sobrang sakit kasi ginawa ko ‘to para sa kanila. Hindi ako humihingi ng mga bagay sa kanila, ako ‘yong bigay nang bigay.”

Kuwento pa ni Esnyr, natatakot siyang matawag na breadwinner ng kanilang pamilya lalo na’t nasabihan na siya ng kanyang ama na huwag niyang i-take ang credit dahil nagtatrabaho rin ang magulang.

“Natatakot nga kong tawagin sarili ko na breadwinner kasi sinabi sa akin ni papa na ‘Huwag mo nama i-take credit lahat kasi nagwo-work ka.’ Gets ko naman ‘yon kaya hindi ko tinatawag sarili ko na breadwinner.

“Every month, nagme-message siya sa akin na ‘Hello, John, Kumusta.’ Tapos magre-reply ako. After no’n always na nanghihingi. Never ako na-chat na kumusta, na kumusta lang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Never in my life naging close kami. Never in my life nakapagsabi ako ng ‘i love you’ sa kaniya. Never in my life sinabihan niya ako ng ‘i love you na sobrang saya ko na anak kita.’ Wala akong narinig na gano’n.”

Kaya niya ginustong sumali sa “Pinoy Big Brother” dahil nais niyang maging kauna-unahang LGBTQIA+ representative sa Big 4 at para na rin sa kanyang pamilya na talagang mahal na mahal niya.

Mensahe naman ni Esnyr sa kanyang ama, “Pa, sobrang mahal kita, Pa. I’m doing everything for you. Kahit wala man itong PBB o meron, gusto ko lang na magiging okay kami ng papa ko kasi parang buong buhay ko na ito binibitbit.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending