Sparkle artist Shan Vesagas umamin tungkol kay Esnyr: We go out

Esnyr at Shan Vesagas
TODO ang pasasalamat ng Sparkle heartthrob na si Shan Vesagas sa “PBB Celebrity Collab Edition” housemate at content creator na si Esnyr.
Malapit na kaibigan ni Esnyr si Shan at marami rin silang supporters dahil sa mga nakakatuwa, nakakakilig at nakaka-good vibes nilang mga video sa TikTok.
In fairness, bago pa pumasok sa Bahay ni Kuya si Esnyr ay sini-ship na siya ng kanyang social media followers kay Shan na gumaganap bilang isa sa mga love interest ni Precious, ang isa sa pinasikat na karakter ng “PBB” celebrity housemate.
Sa nakaraang episode ng Kapuso morning show na “Unang Hirit Kitchen,” inalala ni Shan kung paano nag-start ang friendship nila ni Esnyr.
“Noong kinuha ako ni Esnyr, we’re just social media friends talaga. Noong nangyari na ‘yung series, doon po kami naging close talaga and winorkout ko ‘yung relationship namin as friends,” pagbabahagi ni Shan.
Sey ni Shan, hindi lang siya sa pagkakaibigan nila ni Esnyr siya nagpapasalamat kundi pati na rin sa nagawa ng kanilang collaboration sa kanyang career.
“I have to admit it na I owe him my career. He was the one who paved the way for me to even be here in GMA. So ayun admitted ko po iyon so talagang winorkout ko ‘yung friendship namin.
“Even kahit hindi po kami nagte-taping or gumagawa ng content, we go out. We go out for dinner, we watch UAAP games together,” sabi ng binata.
View this post on Instagram
Marami naman ang nagtatanong kung papasok din ba siya bilang housemate sa “Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition” dahil siguradong matutuwa and fans nila ni Esnyr.
Sey ng Kapuso young actor, wala pa siyang idea kung magkakaroon siya ng participation sa “PBB”.
Biro pang chika ni Shan, “Hindi po patas ‘yung laban! Ha-hahaha!” Na ang tinutukoy ay ang closeness ni Esnyr sa male housemates na si Brent na naging love interest din ni Esnyr sa ginawa niyang mini series sa social media.
Ito naman ang message niya kay Esnyr, “Sana magpakatatag ka pa dyan sa loob, kayo ni Brent. Sana magtuloytuloy ‘yung journey niya dito sa PBB kasi alam ko po na dream niya talaga ito. Sabi po niya isa ‘yan sa what ifs niya.”
Regular na napapanood si Shan sa youth-oriented show ng GMA Public Affairs na “MAKA” kasama sina Zephanie, Marco Masa, Ashley Sarmiento, Elijah Alejo, John Clifford, at marami pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.