Mga manggagawa may ‘libreng sakay’ sa LRT-2, MRT-3 ngayong May 1 | Bandera

Mga manggagawa may ‘libreng sakay’ sa LRT-2, MRT-3 ngayong May 1

Pauline del Rosario - April 30, 2023 - 04:47 PM

Mga manggagawa may ‘libreng sakay’ sa LRT-2, MRT-3 ngayong May 1

INQUIRER file photo

KASABAY ng pagdiriwang ng Labor Day ngayong May 1, magkakaroon ng libreng sakay ang mga manggagawa sa Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) at Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Ngunit paglilinaw ng Department of Transportation (DOTr) na pili lamang ang mga oras upang makuha ang free rides.

Kailangan ding magpakita ng valid ID upang ma-avail ito.

“All you need to present is your Company ID or Government-issued ID. We welcome workers aged 18 years old and above to enjoy this special treat,” sey ni Assistant Secretary for Railways Jorjette Aquino sa isang pahayag.

Narito ang listahan ng mga oras na may libreng-sakay:

LRT-2

  • 7:00 am to 9:00 am, 5:00 pm to 7:00 pm

MRT-3

  • 7:00 am to 9:00 am, 5:00 pm to 7:00 pm

Baka Bet Mo: DOTr maghihigpit ng seguridad sa MRT-3 matapos tumalon ang isang pasahero

Ayon pa sa DOTR, ito ay bilang pasasalamat sa lahat ng manggagawa na patuloy na nagsusumikap at nagbibigay kontribusyon sa bansa.

“We hope that this small gesture of ours will bring joy and ease to your day,” sey ni Aquino.

Patuloy pa niya, “We thank you for your continued efforts and contributions to our nation.”

“Let us celebrate Labor Day with pride and gratitude for all workers in the Philippines,” aniya.

Ang libreng-sakay ay mula sa kahilingan ng Transportation chief na si Jaime Bautista na gustong magbigay-pugay sa mga manggagawang Pilipino.

“This gesture will not only ease the financial burden of the workers but will importantly recognize their significant contributions to nation building and national development,” saad ni Bautista.

Read more:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pasahe sa LRT nagbabadyang tumaas matapos aprubahan ng LTFRB

Angelica shookt padede mom: Mas mahirap siya kesa sa labor, grabe yung sakit na titiisin mo para mapakain ‘yung anak mo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending