Pasahe sa LRT nagbabadyang tumaas matapos aprubahan ng LTFRB | Bandera

Pasahe sa LRT nagbabadyang tumaas matapos aprubahan ng LTFRB

Pauline del Rosario - January 12, 2023 - 12:03 PM

Pasahe sa LRT nagbabadyang tumaas matapos aprubahan ng LTFRB

PHOTO: Facebook/Light Rail Transit Authority – LRT2

ABISO para sa commuters, lalong-lalo na sa mga sumasakay ng tren.

Posibleng tumaas ang pamasahe sa LRT-1 at LRT-2 matapos aprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang isang resolusyon mula sa Light Rail Transit Authority (LRTA).

Ang pamasahe ay nagbabadyang madagdagan ng P2.29, habang ang distance fare ay tataas ng 21 sentimo.

Ibig sabihin, magiging P13.29 na ang pamasahe mula sa P11, at ang kada kilometro ay tataas na ng P1.21 mula sa kasalukuyang P1.

Ito ang kauna-unahang beses na magtataas ng pamasahe ang LRT mula pa noong 2015.

Pero paglilinaw naman ng  LTFRB sa INQUIRER.NET na bagamat inaprubahan na nila ang request ng LRTA, hindi pa magsisimula ang implementasyon ng dagdag-pasahe.

As of this writing, ang LTFRB pa lang ang pumapayag sa nasabing resolusyon at kasalukuyan pang inaantay ang approval ng iba pang board members.

Kabilang na riyan ang Department of Transportation (DOTr), Department of Finance, Department of Budget and Management, National Economic and Development Authority, at Department of Public Works and Highways.

Matatandaang noong nakaraang taon ay tiniyak ng DOTr sa publiko na hindi nito pagbibigyan ang kahilingan ng private sectors ng mga riles na taasan ang pamasahe dahil marami pa rin ang apektado ng inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Read more:

K-pop idol Joshua Hong ng SEVENTEEN niloko ng taxi driver sa Pinas, LTFRB nagbabala: Kailanman ay hindi ito katanggap-tanggap

LRT-2 may libreng sakay sa Dec. 30; free rides sa EDSA carousel tapos na sa Dec. 31

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ayuda para sa mga tsuper, pasahero ipaglalaban ng DOTr, LTFRB — Tugade

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending