K-pop idol Joshua Hong ng SEVENTEEN niloko ng taxi driver sa Pinas, LTFRB nagbabala: Kailanman ay hindi ito katanggap-tanggap
MARIING kinondena ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang ginawang panloloko ng isang taxi driver sa K-pop idol na si Joshua Hong.
Mismong ang miyembro ng sikat na Korean group na SEVENTEEN ang nagkuwento ng naging karanasan niya at ng iba pa niyang kasamahan sa sandaling pag-iikot sa Manila nitong nagdaang buwan.
Sa livestream kasama ang kanyang mga kagrupo, nabanggit ng Korean singer na wala talaga sa plano nila ang magpunta sa Pilipinas. Pero dahil nagkaproblema nga ang biyahe nila patungong Vietnam nagdesisyon sila na bumisita na lang sa Pilipinas.
Pagbabahagi ni Joshua, “So, we couldn’t go to Vietnam. I blew like 3.5 million won on that day. Since we were already at the airport, I thought we should still try to go somewhere.
“The closest flight with seats was a flight to Manila, so we decided to go there instead. We didn’t have time to exchange our money and stuff, because our flight was taking off soon. We thought we’ll be able to sort it out once we get there,” ang kuwento ni Joshua na translated na sa English.
Ayon sa K-pop idol, tila medyo minamalas daw siya pagdating ng bansa, “We went to this five-star hotel, and I asked the hotel staff to overcharge my card and give me some cash with the amount that they overcharged my card.
“Thankfully, they did that for me. The taxi driver asked for like a thousand something in Philippine peso, and I later found out that I had paid like three times more. Gosh!
“We walked around the hotel to find a decent restaurant for dinner, but none of them looked very good. We ended up going to the nicest-looking one out of all, but it tasted horrible.
View this post on Instagram
“It was a dim sum place, and I paid over 100,000 won for that meal. Following our dinner, we discovered that there was a huge mall with great restaurants only a few minutes away from the restaurant we went to,” chika pa ng Korean star.
Ngunit paglilinaw naman niya, “I’m not saying that Manila is a bad place to travel. I’m just sharing my own experience, and that is what sort of thing that could happen to you if you go on a trip without making any plans in advance.
“Always make plans first. Make sure to take cash with you, especially when you’re traveling to a Southeast Asian country as well,” paalala pa niya sa mga turista.
Samantala, binalaan naman ng LTFRB ang lahat ng PUV driver na nanloloko at nang-aagrabyado ng pasahero tulad ng ginawa ng taxi driver kay Joshua na naningil sa sobra-sobrang pamasahe.
Narito ang official statement ng LTFRB hinggil sa nangyari kay Joshua na inilabas kahapon, October 8.
“Mariing kinokondena ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pang-aabuso ng mga Public Utility Vehicle (PUV) drivers sa labis na paniningil ng pamasahe sa kanilang mga pasahero.
“Kasunod iyan ng naging pahayag ni Joshua Hong, miyembro ng sikat na Korean Pop boy group na Seventeen, nang tanungin sa kanyang naging karanasan pagdating sa bansa para ipagdiwang ang Chuseok holiday o Korean Thanksgiving noong nakaraang buwan.
“Ayon kay Joshua, siningil siya ng mahigit P1,000 ng isang taxi driver, tinatayang tatlong beses na mas mataas sa dapat na singil sa kaniya sa taxi.
“Kailanman ay hindi katanggap-tanggap sa LTFRB ang ganitong panloloko ng mga PUV drivers sa kanilang mga pasahero-lokal man o dayuhan.
“Pinapaalala ng LTFRB sa mga PUV driver at operator na sumunod sa mga alituntunin at polisiya ng ahensya upang mapabuti ang pagseserbisyo sa publiko.
“Ang sinumang mahuhuling lalabag sa mga ito ay papatawan ng karampatang parusang nakapaloob sa Joint Administrative Order 2014, tulad ng pagbabayad ng multa at pagkansela ng kanilang Certificate of Public Convenience (CPC).
“Hinihikayat naman ng LTFRB ang publiko na ipagbigay-alam sa ahensya ang mga ganitong pangyayari sa pamamagitan ng LTFRB 24/7 hotline 1342, sa Official Facebook Page at Facebook messenger ng ahensya o ‘di kaya’y sa e-mail sa [email protected] upang maaksyunan ang ganitong mga uri ng reklamo. #LTFRB.”
https://bandera.inquirer.net/293939/khalil-ramos-sa-panloloko-ng-ex-dyowa-worst-years-of-my-life
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.