Angelica binatikos dahil sa tanong tungkol sa sinisingil na tax sa Customs; pati nananahimik na boobs dinamay | Bandera

Angelica binatikos dahil sa tanong tungkol sa sinisingil na tax sa Customs; pati nananahimik na boobs dinamay

Alex Brosas |March 21,2022
facebook
share this

Angelica binatikos dahil sa tanong tungkol sa sinisingil na tax sa Customs; pati nananahimik na boobs dinamay

Alex Brosas - March 21, 2022 - 07:29 AM

Angelica Panganiban at Gregg Homan

Angelica Panganiban at Gregg Homan

NA-BASH si Angelica Panganiban for asking kung ano ang basehan ng customs sa pagpapataw ng tax.

Nag-tweet kasi si Angelica recently, “Guys, please enlighten me honest question ito. Ano ang basehan ng customs sa pag tax ng item mo?

“Bakit magkasing halaga na ang tax na pinabayaran sakin at ng item na wala naman silang hinihinging resibo para malaman ang presyo ng item?” tweet ng dalaga.

“Salamat sa mga reponses ninyo. Nakakapanghinayang lang na wala akong choice kundi bayaran yung singil nila. Kung alam ko lang na 70% yung babayaran kong tax sa customs. D na ko bumili online,” dagdag pa niya.

Aniya, labis siyang nasasaktan sa mga OFWs na nagpapadala ng kung anu-ano sa kanilang pamilya sa Pilipinas.

“Huhuhu dito ko nasasaktan. Kadalasan mga kamag anak natin sa ibang bansa magiipon ng padalang bagong sapatos o bag para sa anak nila.

“Tapos maloloka na lang yung anak dahil ang laki ng singil sa kanila. So dun sa pag tubos mapupunta yung ipon nila,” say ni Angelica.

Na-bash si Angelica sa isang Facebook page.

“If the pupose of your post is about custom tax direct your queries to them but if just to gain attention your in the right place social media maraming magagaling dto.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)


“Yung utak mo napunta lahat sa dibdib, may complain ka pala bakit hindi nagtanong sa customs para maliwanagan ang lutang mong utak bakit may binabayaran na custom tax.

“Minsan basa basa ka Rin Kasi para nman ma educate para ung mga tanong mo alam mo na Ang sagot. Wag puro boys Ang asikasuhin, mag aral Ng matuto.”

“Taripa gorl, para di basta basta may mga nakakapasok sa bansa lalo na mga luho mo! balak mo lang ata na namarn mag-shift sa pagiging expert political scientist to seasoned tax lawyer eh.”

“Hoy kau mga artista sarili nyo lang iniisip nyo. Wala kaming pakialam sa inyo unahin mo sarili mo bago ka sumawsaw sa iba.”

“Kung makapag salita ito si Angie akala economista. papansin din showbiz nlng kasi update mo kasi doon lng nman ang linya mo…wag ka na makisawsaw.”

May nagtanggol naman kay Angelica as one fan said, “Hindi ako fan ni Angelica pero wag naman kayo manakit ng damdamin sobra naman kayo manlait ng kapwa, yun lng ang sinabi niya ay napakadami na ninyo ibinato na mga masasakit na salita sa kanya.

“Ano akala ninyo sa inyong sarili magagaling at malilinis kayong tao ay masahol pa sa inidoro ang baho nang mga bunganga ninyo, alam ba ninyo at kilala ang taong nilalait Ninyo,” sey pa ng netizen.

* * *

Pahulaan ang latest tweet ng “It’s Showtime” main host na si Vice Ganda.

“Wag mong isiping parang wala ka ng nagagawang tama. Meron! Marami ka pa ring nagagawang tama. At kaya mo pa rin gumawa ng madaming tama. Sumasablay ka lng ngayon dahil kakaiba ang sitwasyon. Di lang ikaw. Lahat tayo. Nagkakamali ka lang. Pero di ka masama.”

That was his tweet na talagang nagpaisip sa kanyang mga followers.

Sino raw ba ang pinatatamaan niya? Ano raw ba ang kanyang tunay na hugot sa kanyang tweet na iyon.
May kasunod pa ang nakakaintrigang tweet na iyon ni Vice Ganda.

“Konting kalma. Baka di natin napapansin katulad na din tayo ng mga taong ayaw natin. O baka naman yun din tayo di lang natin maamin,” tweet niya.

Da hu ba ang pinatutungkulang mo, Vice Ganda. Sinex ba ang mga iyon?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, humahataw pa rin naman ang “It’s Showtime” at click na click ang kanilang “Sexy Babe” segment sa show.

Bela naloka sa sistema ng Bureau of Customs: Hello! You guys, OK?

JaMill nag-delete nga ba ng YouTube channel para makaiwas sa pagbabayad ng tax?

JaMill pinuntahan ng taga-BIR sa bahay: Inaasikaso na po namin ngayon sa tamang paraan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending