Joey Reyes gustong i-push ang tax holiday: Kasi sa bawat P100 na bayad sa sinehan ang kita lang ng produ P30 tapos may VAT pa | Bandera

Joey Reyes gustong i-push ang tax holiday: Kasi sa bawat P100 na bayad sa sinehan ang kita lang ng produ P30 tapos may VAT pa

Ervin Santiago - July 20, 2022 - 07:56 AM

Janelle Tee at Joey Reyes

POSITIBO ang pananaw ng veteran director na si Joey Reyes sa sitwasyon ngayon ng Philippine movie industry na naapektuhan talaga nang bonggang-bongga dahil sa pandemya.

Sa ngayon, nae-enjoy ni Direk Joey ang paggawa ng pelikula na ipinalalabas sa mga streaming app tulad ng Vivamax pero aniya naniniwala siya na muling makakabangon ang mga film producers kapag nagbukas na ang lahat ng mga sinehan sa buong Pilipinas.

Nakachikahan namin at ng ilan pang members ng entertainment media si Direk Joey sa virtual  mediacon ng original Vivamax series na “Katawang Lupa” kamakailan at natanong nga siya kung sa streaming at digital na patungo ang movie industry.

“Ang hirap sabihin na roon na nga tayo patungo. How I wish I could say na streaming is the ultimate solution, but it is not.

“Streaming kung titingnan mo ang kalagayan nito may mga problema rin, marami. Kasi ‘yung business na ito hindi pa pulido at hasang-hasa.

“But ang mga producer natin hindi pa rin lahat handa na pumunta sa streaming pero I’m a consultant in the other studio mayroon kaming four films in the can hindi namin alam ang gagawin kasi hindi namin mailagay sa sinehan, kasi wala eh,” aniya.

“Kapag inilagay namin sa sinehan talo ka eh, it will take time pa. This is hope against hope,” dagdag niya.

Kaya naman umaasa si Direk Joey na tatangkilikin muli ng mga Filipino ang pagbabalik sa sinehan ng Metro Manila Film Festival.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joey Javier Reyes (@direkjoey)


“Ipinapanalangin na lang namin na sa MMFF bumalik ang mga tao na manood ng Filipino movies. Ang malaking katanungan lang is, are we economically equip to watch movies with the present crisis?

“Are they equip to watch Filipino movies with the prices we’ve offered although it sounds unfair na you pay a Hollywood movie much more than the Filipino movie. It doesn’t diminish pero it make accessability sa merkado, sana may clear na solution,” sey ng direktor.

Isa sa mga solusyong nakikita ni Direk Joey ay ang tax holiday at ang pag-alis ng amusement tax, “Ang solution diyan ay ang tax holiday kasi  we are the most heavily tax movie in the world.

“Kapag binigyan tayo ng tax holiday hindi lamang Viva, Regal, Black Sheep, lahat pati ang mga indie film producers magkakaroon ng inclusive. At sana rin magkaroon ng himala, na pumayag alisin muna ang amusement tax ng mga LGUs o bawasan ang amusement tax.

“Sa bawat P100 ang kita lang ng produ, P30, tapos nagbabayad pa siya ng VAT. Kaya kailangang kumita ng producer ng 3 times doon sa kapital na ginamit niya. Ganyan ang sitwasyon ng mainstream movies. Kaya saludo ako sa Vivamax dahil binibigyan nila ang lahat ng mga taong narito ng trabaho,” ani direk Joey.

Samantala, excited na si Direk Joey sa digital series niyang “Katawang Lupa” na pagbibidahan nina Janelle Tee, Migs Almendras, CJ Jaravata, Rolando Inocencio, Micaella Raz, Azi Acosta, Axel Torres, at Greg Hawkins.

“I’ve always wanted to do another crime story. Kasi iba ang handling ng camera, iba ang handling ng basic. In other words, cinematically point of view in directing at saka putting it together iba-iba and I haven’t done that for the longest time. Actually I’ve just done it once.

“Ikalawa, I’m exploring the language of streaming kasi roon na tayo papunta eh. Importante na matutunan mo ang lengguwahe ng streaming at saka ‘yung dynamics ng streamings hindi lamang sa paggawa ng pelikula kundi maging ang pagbenta ng pelikula at kung anong uri ng kuwento ang pwede mong ilagay sa streaming.

“At ikatlo it gives me the opportunity to make stories which I cannot do before. Why ‘Katawang Lupa,’ because I always wanted to do a stories about equality, about people not being who they are. Matagal ko nang kuwento ito at alam ko na hindi ko magagawa sa mainstream.

“At kung ginawa ko namang indie ito, hindi ko rin magagawa nang tama. Tamang-tama namang dumating itong Vivamax at tinanong sa akin, tinanggap ko siya dahil sabi ko this is a nice opportunity.

“As I’ve said Vivamax opens new opportunities for stories which you cannot tell otherwise in any other platform. ‘Yun I’m very excited, extremely excited,” sey ni Direk Joey.

https://bandera.inquirer.net/308599/angelica-binatikos-dahil-sa-tanong-tungkol-sa-sinisingil-na-tax-sa-customs-pati-nananahimik-na-boobs-dinamay

https://bandera.inquirer.net/302060/maxene-hindi-masyadong-ok-noong-holiday-season-i-thought-why-not-cry-in-boracay

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/303976/alodia-sa-pagiging-game-streamer-may-2-reasons-siguro-kung-bakit-ka-pinanonood

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending