PBA player Jio Jalalon inireklamo ng asawa: Traumang-trauma na ko sa lahat ng panloloko mo | Bandera

PBA player Jio Jalalon inireklamo ng asawa: Traumang-trauma na ko sa lahat ng panloloko mo

Ervin Santiago |April 09,2021
facebook
share this

PBA player Jio Jalalon inireklamo ng asawa: Traumang-trauma na ko sa lahat ng panloloko mo

Ervin Santiago - April 09, 2021 - 09:11 PM

INAKUSAHAN ng umano’y pang-aabuso at pambababae ng kanyang asawa ang professional basketball player na si Jio Jalalon.

Idinaan ni Kristina Jalalon sa kanyang Instagram account ngayong araw ang mga reklamo at akusasyon niya laban sa PBA star (Magnolia guard).

Sunud-sunod ang post niya sa IG Story na naglalaman ng ilang detalye tungkol sa panloloko umano sa kanya ng asawa, kabilang na riyan ang ilang screenshots ng pakikipagpalitan nito ng message sa ibang babae.

“Napaka-sweet naman pala sa ibang babae @jiojalalon6, pero sa sariling asawa puro pagkukulang. Nakakapagod manahimik, traumang-trauma na ko sa lahat ng panloloko mo,” simulang pagsusumbong ni Kristina.

Sa mga hindi pa nakakaalam, ikinasal ang mag-asawa noong August, 2019 matapos ang anim na taong ng pagiging mag-boyfriend-girlfriend.

Pagpapatuloy ni Kristina, “O teka lang di pa ko pinagbubuhatan ng kamay muntik pa lang batok batok lang duro duro sa noo tsaka hampas ng unan at halos hawiin ako na parang papel sa laki ng idol niya hahahaha.”

Aniya pa, “Napakasakit kala niyo lagi na lang ako nagmamakaawa na wag ako lokohin kasi kawawa mga anak namin ang liliit pa… ‘Pag nahuli mo ikaw pa magmamalakihan. Grabe ‘yung trauma ko para na ‘kong mababaliw, napakahirap.”

Kasunod nito, ipinost din ni Kristina ang mga screenshot ng pakikipag-chat ng PBA player sa ibang babae na may kalakip pang video clip kung saan dumidila pa ang Hotshots guard.

“Oh yan idol nyo oh nakikipag-videcall ng kamanyakan salamat sa nag-send. Kaya girls wag kayo papa-uto,” sabi pa niya.

Wala pang opisyal na pahayag si Jio tungkol sa akusasyon ng kanyang asawa. Bukas ang BANDERA sa pagpapaliwanag ng PBA player at agad naming ilalabas ang gagawing depensa at paglilinaw ng cager.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending