Sandra Lemonon, Sol Mercado nagpakasal na sa Bali, Indonesia

Sandra Lemonon, Sol Mercado nagpakasal na sa Bali, Indonesia

Ervin Santiago - September 10, 2024 - 02:43 PM

Sandra Lemonon, Sol Mercado nagpakasal na sa Bali, Indonesia

Sandra Lemonon at Sol Mercado

BONGGA ang naganap na kasal ni Miss Universe Philippines 2020 candidate Sandra Lemonon at ng basketball player na si Sol Mercado!

Nangyari ang intimate wedding ng celebrity couple sa beach destination na Bali, Indonesia kamakailan na dinaluhan ng kanilang respective families at malalapit na kaibigan.

Isa sa mga kilalang celebrities na present sa kasal nina Sandra at Sol ay sina Miss Universe 2018 Catriona Gray, na nag-uumapaw ang kagandang at kaseksihan sa kanyang emerald green dress.

Naroon din ang Kapuso actor na si Benjamin Alves kasama ang asawang si Chelsea Robato-Alves.

Baka Bet Mo: RR nakisawsaw sa isyu ng pagkukumpara kina Denise at Sandra

Nagbahagi si Chelsea sa kanyang Instagram Story ng litrato nina Sandra at Sol na may caption na, “What a beautiful wedding @m3cmywords @sandralemonon.

“You two balance and compliment each other perfectly. There’s so much love in the air between you two, and from all the people who [are] around you.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Niceprintphoto (@niceprintphoto)


Ang aktor na si KC Montero ang nagsilbing host sa naganap na beach wedding.

Matatandaang noong March, 2022, ibinandera ng beauty queen at Barangay Ginebra player ang kanilang engagement at kasunod nito ay kinumpirma rin nila na magkakaroon na sila ng baby.

Baka Bet Mo: Maxene balik-Pinas makalipas ang mahigit 1 taon sa Indonesia: Mabuhay!

Ilang buwan lamang ang nakalipas, ibinalita nila na isinilang na ang kanilang panganay na anak na pinangalanan nilang Zaiah Rafael Mercado.

Si Sandra ang naging representative ng Taguig City sa Miss Universe Philippines 2020 pageant at bago ito, itinanghal na rin siyang Fourth Princess sa 2016 Miss World Philippines.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, bukod kina Sandra at Sol, ang iba pang celebrities na nagpakasal sa Bali, Indonesia ay sina Christian Bautista at Kat Ramani noong 2018 at Maja Salvador at Rambo Nuñez noong July, 2023.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending