#DoubleBlessing: Sandra Lemonon, Sol Mercado engaged na, magiging mommy at daddy pa | Bandera

#DoubleBlessing: Sandra Lemonon, Sol Mercado engaged na, magiging mommy at daddy pa

Ervin Santiago |March 15,2022
facebook
share this

#DoubleBlessing: Sandra Lemonon, Sol Mercado engaged na, magiging mommy at daddy pa

Ervin Santiago - March 15, 2022 - 11:20 AM

Sol Mercado at Sandra Lemonon magiging parents na

Sol Mercado at Sandra Lemonon

ISANG araw lamang ang lumipas matapos ibandera ang kanilang engagement sa publiko, inamin naman nina Sandra Lemonon at Sol Mercado na magiging parents na rin sila very soon.

Excited na ibinalita ng beauty queen sa kanyang social media followers and supporters na baby boy ang kanyang ipinagbubuntis.

Kaya naman double celebration ang nangyari sa personal life ni Sandra at ng fiancé niyang PBA player na pinusuan at ni-like naman ng bonggang-bongga ng kanilang mga supporters.

Last Sunday, March 13, in-announce ng celebrity couple sa pamamagitan ng Instagram na engaged na sila kalakip ang kanilang kissing photo. Ipinakita rin ng beauty queen ang kanyang engagement ring.

At kahapon nga, March 14, nag-post din si Sandra sa Instagram ng series of photos kung saan makikita ang kanyang baby bump at hinahalikan ni Sol.

Sa mga nasabing litrato, parehong nakaputi ang engaged couple habang enjoy na enjoy sa beach. Ang paniwala ng mga netizens ay doon din nag-propose ang professional basketball player.

Sa isang photo, kitang-kita ang pagiging emosyonal si Sandra nang yayain na siyang magpakasal ni Sol. Aniya sa caption, “Creating life together.”

Sabi naman ni Sol para sa kanyang future wife, “The most beautiful pregnant woman I have ever laid eyes on!!! #Blessed.”

Nagbahagi rin si Sandra ng video sa IG na kuha sa gender reveal party para sa kanilang magiging baby. Sey ni Sandra sa caption, “Our baby boy. I’ve always imagined myself having a little boy, for it to actually happen is a surreal feeling.”

Comment naman ni Sol, “You are an amazing life partner/friend & now Papa, thank you for another priceless gift in helping me become a Mama.”

Samantala, sunud-sunod naman ang pagbati ng mga netizens pati na ang mga kaibigan niyang beauty queens sa kanyang engagement at isa na riyan si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

“Glowing goddess mamaaaa (white yeart emojis) so excited to be a tita,” mensahe ni Catriona.

Ang iba pang nag-post ng message para bumati kina Sandra at Sol ay sina Rachel Peters, Katarina Rodriguez, Karen Gallman, Hannah Arnold at marami pang iba.

Sa mga hindi pa masyadong aware, si Sol Mercado ay dating fiancé ng Kapamilya actress-singer na si Denise Laurel. Naghiwalay ang dalawa matapos ang ilang taong pagsasama.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sol Mercado nakipagsagutan sa nang-okray kay Sandra Lemonon; Denise Laurel nadamay

Derek: Hindi namin sinasabi ni Ellen na mas OK ako kay John Lloyd…we’re just meant to be

Relasyong Tom-Carla dumaan muna sa matitinding pagsubok bago nauwi sa engagement

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending