Sol Mercado nakipagsagutan sa nang-okray kay Sandra Lemonon; Denise Laurel nadamay
PATOL kung patol ang kilalang basketball player na si Sol Mercado sa isang netizen na ikinumpara ang kanyang girlfriend ngayon na si Sandra Lemonon sa dating fiancée na si Denise Laurel.
Talagang sinupalpal ng free agent sa Philippine Basketball Association (PBA) ang isang basher na nag-comment na walang-wala raw si Sandra (sumali sa Binibining Pilipinas noong 2018 at Miss Universe Philippines last year) sa aktres at singer na si Denise.
Sa mga hindi pa aware, nag-propose si Sol kay Denise noong 2013 ngunit bago pa man mangyari ang kanilang pagpapakasal bigla silang naghiwalay noong 2016.
At kahapon nga, ibinandera nina Sol at Sandra ang tunay na estado ng kanilang relasyon sa pamamagitan ng Instagram. Marami namang netizens ang nag-congrats sa dalawa, kabilang na ang ilang celebrities.
Ngunit kung may masaya para sa kanilang pagsasama, meron ding mga nangnega tulad nga ng netizen na nagsabing, “This chick is no where close to @d_laurel IMO (in my opinion).”
Resbak naman ng PBA player, “You’re a clown! (clown emoji) u don’t know either…” na sinagot din ng netizen at tinawag pang “loser” ang dating player ng Barangay Ginebra.
Hirit naman ni Sol, “What that makes you bruh? I’ll wait… #TakeTheL (take the loss).”
Pinayuhan pa niya ang basher na wala raw magawa kundi makialam sa buhay nang may buhay, “Take the L? Haha you the clown that goes to my page and interested in MY life…
“Yeah okay (thumbs up emoji) keep waiting homie and do something else with your life.
“What I eat don’t make you shit. Only L here is Learning,” aniya pa.
May hamon pa siya sa hater, “I’ll wait for your reply cuz it’s entertaining then I’ll help u stay off my page.”
Ngunit hindi pa rin nagpatalo ang netizen sa cager at tinaningan pa ang relasyon nina Sol at Sandra, “I give this about good 2 months and will end up looking for different chick right? I see you!”
Bwelta ni Sol sa kanya, “I do this for pure entertainment.”
“Have a good one, check back in w me in 2 months. I’ll set my alarm (laughing faces with tears emojis).”
Pang-aasar pa ng netizen, “Good day pimpin! (laughing faces with tears emojis).”
Wala ng sagot si Sol sa huling hirit ng basher.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.