Denise Laurel malandi at mataray ang image sa publiko: Hindi ko ma-gets!
MARAMI ang nagsasabing mukhang “malandi” at “mataray” daw ang seasoned actress at singer na si Denise Laurel.
Isa ito sa sinagot ng “Prinsesa ng City Jail” star nang maging special guest siya sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong nagdaang Lunes, January 20 na napapanood sa GMA 7.
Ipinaalala kasi ng King of Talk na si Tito Boy Abunda ang naging pahayag noon ng blockbuster director na si Cathy Garcia-Sampana tungkol sa kanyang personalidad.
“Direk Cathy once said na because of your look, kapag hindi ka kilala sasabihin ‘ang taray-taray ng babaeng ito at ang landi,’” ang sabi ni Tito Boy sa aktres na nagbabalik-Kapuso ngayon sa pamamagitan ng afternoon series na “Prinsesa Ng City Jail.”
Baka Bet Mo: Denise madalas pagkamalang si Deniece Cornejo: ‘Wrong sent kayo since 2014’
“Landi po ‘yung nauna,” ang natawang hirit ni Denise. “‘Ang landi kasi ng mukha mo!’ ‘Yung features ko, ganyan. When she said that Tito Boy, may nag-click sa utak ko.
View this post on Instagram
“Kaya pala people, no matter how soft my heart is, they always come up with their own assumption. Hindi nila ako nilalapitan.
“I would always get hurt in love. People always make their own assumptions about me because of how I talk, how I look, my last name, where I’m from.
“E, patas lang naman kami. So, hindi ko ma-gets,” ang natatawa at nagtatakang pahayag pa ng aktres.
Kaya naman ang ginawa raw ni Denise, pinagkakitaan na lang daw niya ang image na malandi at mataray kesa seryosohin at magalit hinggil sa issue.
Talagang humihingi raw siya ng mga projects kung saan matataray at malalandi ang kanyang karakter. At in fairness, pak na pak talaga si Denise sa mga kontrabida roles.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.