Khalil Ramos sa panloloko ng ex-dyowa: Worst years of my life | Bandera

Khalil Ramos sa panloloko ng ex-dyowa: Worst years of my life

Ervin Santiago |September 27,2021
facebook
share this

Khalil Ramos sa panloloko ng ex-dyowa: Worst years of my life

Ervin Santiago - September 27, 2021 - 09:14 AM

Gabbi Garcia at Khalil Ramos

HINDING-HINDI pa rin nakakalimutan ng Kapuso actor-singer na si Khalil Ramos ang ginawang panloloko sa kanya ng dating girlfriend.

Inilarawan ng binata ang naging toxic relationship nila ng nasabing girl bilang “worst years of his life” dahil nga matindi ang naging epekto nito sa kanyang personal na buhay.

Naikuwento ito ni Khalil sa nakaraang episode ng “Figure It Out” kung saan nakasama niya ang girlfriend na si Gabbi Garcia. Dito, nabanggit ng binata na habang sila ng kanyang ex ay nakikipagkita rin ito sa ibang mga lalaki.

“For me, the level of toxicity I experienced in my past relationships, I was never enough,” ani Khalil. Dahil dito, ang feeling niya ilang beses din siyang na-heart broken dahil sa dami ng lalaking na-involved sa dati niyang dyowa.

“I experienced the worst years of my life. It’s a phase of my life I forget about that I would want to forget and delete from my life.

“It was a phase of my life where I felt helpless. I felt like my feelings weren’t of value to anyone,” aniya pa.

“When you’re on that road and nilaban mo pa rin pero you’re not equipped, back and forth na siya,” ang isa raw sa mga natutunan ng aktor sa nasabing relasyon.

Samantala, inamin naman ni Gabbi na naging selosa siyang tao matapos ding lokohin ng dati niyang partner.

Ngunit nagbago rin daw ito habang unti-unti siyang nakaka-move on mula sa pagiging heartbroken. At nang maging sila na nga ni Khalil mas naging secure na siya sa kanyang sarili at sa kanilang relasyon.

Payo ng Kapuso couple, kung nasa isang toxic situation kayo, kailangang mag-isip-isip na. Ani Gabbi, “Because your feelings matter. Our mental health matters. Your worth matters.” 

“When you feel like you’re not worth it anymore, na, ‘Shucks. Wala na ‘yung self-worth ko,’ that’s a red flag,” chika pa ni Gabbi 

Dagdag pa ng Kapuso star, “For me, kailangan pagpasok mo ng relationship, buo ka as a person. Dapat mas magkakaroon pa ng second layer, may icing on top because of your relationship. Hindi ‘yung mababawasan ng isang slice.”

Apat na taon nang magkarelasyon sina Gabbi at Khalil at habang tumatagal ay mas lalo pang tumitibay ang kanilang pagsasama.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sey ni Gabbi noong nagsisimula pa lang ang relationship nila ni Khalil, “We knew we had a nice connection. A beautiful connection so we really didn’t want to waste it by being toxic.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending