TOL itinulak ang proteksyon sa nakadepositong energy resources sa Talampas ng Pilipinas
“DAPAT nang kumilos ang bansa para protektahan ang mga nakadepositong energy resources sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) nito, partikular sa Talampas ng Pilipinas.”
Ito ang binigyang-diin ni Senate Majority Leader Francis ‘Tol’ Tolentino sa gitna ng patuloy na panghihimasok ng mga barko ng China Coast Guard sa West Philippine Sea, at ng namataan na Chinese research ship malapit sa Batanes.
“Target nila ang ating natural gas at langis. Dapat nating pangalagaan ang mga rekursong ito para sa kasalukuyan at susunod na henerasyon ng mga Pilipino,” sey ni Tolentino sa isang panayam kasama ang ilang reporters sa Caloocan, kung saan siya nagsagawa ng motorcade kasama ang mga lokal na opisyal.
Baka Bet Mo: TOL suportado ang pagpapalakas ng pwersa ng Philippine Navy sa West PH Sea
Tinukoy ni Tolentino ang pahayag kamakailan ng China na nakadiskubre umano ito ng isang ‘billion ton’ oilfield sa South China Sea (SCS).
Ngunit dahil sa kanilang agresibong pang-aangkin sa halos kabuuan ng SCS, hindi raw malayo na kasama rin sa long-term energy plans ng Beijing ang langis at natural gas deposits sa ating EEZ.
Dagdag ng senador, plano nyang maghain ng mga panukala para magtatag ng development corporation at oil company para sa Talampas ng Pilipinas – isang malawak na undersea rehiyon sa eastern seaboard ng Luzon na sinasabing mayaman sa enerhiya at mga mineral.
Ang Talampas ng Pilipinas, kasama ang WPS ay itinakda sa mga probisyon ng makasaysayang Philippine Maritime Zones Law (RA 12064) na iniakda ni Tolentino.
Magugunita na noong Marso 27, pormal na isinumite ng pamahalaan ang Mapa ng Talampas ng Pilipinas sa International Seabed Authority ng United Nations.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.