KCC may handog na libreng ganap, workshop ngayong Nobyembre
MAY pasabog ulit na libreng events ang Korean Cultural Center in the Philippines (KCC) para sa buwan ng Nobyembre!
Ito a kaugnay pa rin sa pagdiriwang ng 75 years of friendship sa pagitan ng Pilipinas at Korea.
Ang highlight this month ay sa pamamagitan ng music, traditional craftsmanship, at cultural exchange.
Harmony at 75: A Celebration of Philippine-Korean Friendship Through Music
Samahan ang Groove&, isang all-female percussion ensemble mula Korea, sa kanilang makapangyarihang pagtatanghal sa Leandro Locsin Auditorium ng NCCA sa Intramuros sa November 15.
Baka Bet Mo: Mga kakanin, rice cakes ibinandera ng KCC sa 75th anniv ng Pilipinas-Korea
Tampok din diyan ang top Filipino music groups na UP TUGMA at Padayon Rondalla na magtatanghal ng mga klasikong awitin ng Pilipinas.
Ang concert ay co-presented ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA).
Libre lang din ito, pero limitado ang upuan kaya magpa-resrve sa: bit.ly/Harmony75RegistrationLink
Maedeup, Korean Knots
Masdan ang walang kupas na kagandahan ng Maedeup o tradisyonal na “Korean knot” sa isang espesyal na exhibit na itinatampok ng National Folk Museum of Korea sa The M sa BGC.
Mula November 22, 2024 hanggang January 29, 2025 makikita ang mga detalyadong knot na likhang-kamay na matagal nang ginagamit bilang dekorasyon sa kasuotan, aksesorya, kasangkapan, at mga seremonyal na bagay sa Korea.
Libre ang exhibit at bukas sa lahat, wala ring kinakailangang pre-registration.
Sa November 22 at 23, maaaring sumali sa libreng “Traditional Korean Knot Bracelet Making” workshop para sa mga edad 20 pataas.
Pwedeng magparehistro sa workshop: bit.ly/MaedeupKoreanKnotsWorkshopRegistration
Philippines-Korea Cultural Exchange Festival 2024
Magbabalik ang Philippines-Korea Cultural Exchange Festival sa November 23 sa Aliw Theater, Pasay City!
Hatid nito ang makukulay na pagtatanghal at cultural contests na nagdiriwang ng pagsasanib ng kultura ng dalawang bansa.
Inorganisa ito ng United Korean Community Association in the Philippines (UKCA) na kung saan ay magsisimula ang event sa isang parada, kasunod ang mga pagtatanghal sa Aliw Theater mula sa iba’t ibang grupo.
Kabilang diyan ang S.D.G. (Show Design Group) na kilala sa kanilang Media TRON Performance gamit ang LED technology.
Highlight ng festival ang final round ng cultural performance contest, kung saan magpapakitang-gilas ang Koreans sa pamamagitan ng Filipino traditional acts at ang mga Pilipino naman sa Korean performances.
Libre lang din ang event na ito kaya para sa karagdagang detalye, bisitahin ang PhilKor Cultural Exchange Festival Facebook Page.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.