KCC ibabandera ang kahalagahan ng ‘Korean alphabet’, bet n’yong matuto?
NAKO, tiyak na maraming Korean fans ang matutuwa sa bagong gimik ng Korean Cultural Center (KCC) in the Philippines.
Para sa buwan ng Setyembre, bibigyang-pansin ang kahalagahan at kagandahan ng “Hangeul” o Korean alphabet.
Dalawang libreng events ang inihanda para diyan ng KCC.
Baka Bet Mo: National martial arts ng Pilipinas at Korea bumandera, nagpasiklaban
Hangeul Design Project
Kung gusto niyong matutunan ang Korean alphabet, pwede niyong bisitahin ang exhibit na “Hangeul Design Project: Reinterpreting Hangeul in the Modern Era” na gaganapin sa KCC sa Taguig City.
Para makumpleto ang experience, magkakaroon ng serye ng performances at workshops.
“It aims to spark a deeper interest among Filipinos in Korean culture by showcasing Hangeul in various art forms. From traditional calligraphy to contemporary art, the exhibit will highlight the adaptability of Hangeul, which was created in 1443, to convey new ideas and knowledge across different mediums,” saad sa ipinadalang pahayag sa amin.
Ang exhibit ay libre lamang at bukas sa publiko mula 9 a.m. to 4 p.m., simula September 6 at matatapos ito hanggang February 28 ng taong 2025.
Bisitahin lamang ang Facebook page ng Korean Cultural Center in the Philippine upang alamin ang detalye kung paano maka-join.
Conversations with Park Sang Young
Muling bibisita sa Pilipinas ang Korean author na si Park Sang Young, ang nagsulat ng 2022 International Booker Prize Longlisted na “Love in the Big City.”
Para sa kaalaman ng marami, ang naturang libro ay magkakaroon ng movie adaptation this year na pinagbibidahan ng Korean stars na sina Kim Go-eun at Noh Sang-hyun.
And just in time, ito ang pagkakataon na makausap at ma-meet ng Pinoy fans ang gumawa ng nasabing kwento.
Magkakaroon siya ng meet-and-greet at book signing sa gaganaping “Manila International Book Fair” sa SMX Convention Center sa Pasay sa darating na September 14.
Ito ay in partnership with KCC at National Book Store.
Bago rin ‘yan ay magkakaroon din si Sang Young ng special “Conversations with the Author” event sa Ateneo de Manila University sa September 13.
Ang mga interesadong pumunta sa intimate session ay pwedeng mag-register sa link na ito: bit.ly/
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.