Rayver Cruz naaksidente sa gym, napuruhan ang kanang binti | Bandera

Rayver Cruz naaksidente sa gym, napuruhan ang kanang binti

Reggee Bonoan |March 29,2022
facebook
share this

Rayver Cruz naaksidente sa gym, napuruhan ang kanang binti

Reggee Bonoan - March 29, 2022 - 04:51 PM

Rayver Cruz

FOR the nth time ay muling nadisgrasya ang kanang binti ni Rayver Cruz dahil sa pagwo-workout sa gym.

Hindi na idinetalye ng aming kausap kung paano at ano ang bumagsak sa binti ng singer-actor pero pinayuhan siya ng doktor na dapat ay mag-ingat nang mabuti dahil delikado na.

Dati na raw kasing na-injure si Rayver sa pagba-basketbal with the same leg kaya mahigpit ang bilin na sobrang pag-ingatan na ito.

Dahil sa naganap na aksidente ay nag-worry nang husto ang binata dahil special guest siya ng ka-loveteam niyang si Julie Anne San Jose sa “Limitless Live” concert nito na ginanap sa Sunlife Ampitheater, BGC noong Marso 20.

Nakita sa video na iika-ikang maglakad si Rayver habang nakasuot ng fractured brace at sinundo siya ni Julie Anne para alalayan patungo sa entablado kung saan may duet sila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by rayvercruz (@rayvercruz)


Good thing hindi na sinementuhan ang binti ni Rayver dahil tiyak na mas mahihirapan siyang sumakay ng sasakyan at umakyat sa second floor ng bahay niya.

“Ang maganda hindi naman 24 hours niyang suot ang brace, pag nakaramdam ng sakit, saka niya sinusuot. Nakakapag-drive naman siya,” sabi ng aming source.

Kuwento naman ng taong nasa gym noong maaksidente si Rayver ay talagang namilipit siya sa sakit sa leg workout.

Duda namin baka ligament o ‘yung muscle ang nabanat nang husto kasi nga kapag leg workout ay mega push mo talaga at hindi siguro ito natantiya ng aktor.

Anyway, hindi apektado ang pagti-TikTok ni Rayver with his favorite partner na si Julie Anne dahil dire-diretso pa rin sila base sa mga nakikita naming post.

‘Yun nga lang katawan lang ng aktor ang gumagalaw-galaw at hindi gaano ang mga binti dahil nakasuot pa rin siya ng brace.

Tinanong namin ang aming source sa biting sagot ni Julie Anne kung nanliligaw na si Rayver sa dalaga, “Wala namang sinasabi, pero sweet sila, nakakalilig naman talaga sila,” bitin ding sagot sa amin.

Naku, what you see is what you get na lang siguro. Hindi naman na uso ngayon ang aminan sa magkarelasyon at grabe, ang daming boto sa dalawa bilang couple.

* * *

Umiinit na ang kompetisyon sa loob ng Bahay ni Kuya kung saan nominado para sa unang eviction night ng “PBB Kumunity Season 10” Teen Edition sina Don Hilario, Kai Espenido, Rob Blackburn, Stef Draper, at Stephanie Jordan.

Nakakuha si Rob ng 11 na puntos na sinundan ni Don na may 6 na puntos. Sina Kai, Stef, at Stephanie naman ay pawang nakakuha ng tig 5 puntos. Isa sa kanila ang matutuldukan ang pagiging teen housemate sa Linggo (Abril 3).

Samantala, itinanghal naman na unang Head of Household si Maxine Trinidad kaya ligtas siya sa ginawang nominasyon, habang hindi ginamit ni Gabb Skribikin ang kanyang napanalunang immunity pass sa follower sprint sa Kumu.

Pwede niya itong gamitin sa anumang punto ng kompetisyon habang nasa loob siya ng bahay ni Kuya upang makaligtas sa nominasyon.

Kahit hindi pinalad ang housemates sa kanilang basketball choreography weekly task, nagwagi naman sina Dustine Mayores, Luke Alford, at Paolo Alcantara sa kanilang sacrifice task upang matulungan ang tatay ng kasamahan na si Gabb sa pagpapagamot nito sa malubhang sakit.

Kahit natagalan silang maka-shoot  ng layup, free throw, three-point basket, at half-court shot kasama si Gabb nang limang beses na hindi nagkakamali, hindi sila tumigil upang makatulong sa kapwa housemate hanggang sa magtagumpay sila.

Bumuhos naman ang luha ni Gabb nang malaman ang sakripisyo ng kanyang housemates at nang mapanood ang mensaheng pasasalamat mula sa ama na nakikipaglaban sa sakit.

Sino kaya ang unang magpapaalam sa bahay ni Kuya? Kaninong kwento pa kaya ang magpapaantig sa viewers? Abangan sa “PBB Kumunity Season 10” Teen Edition na napapanood sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN.

https://bandera.inquirer.net/279540/rayver-na-shock-natulala-nang-makita-ang-bonggang-design-ng-bagong-bahay

https://bandera.inquirer.net/281622/vice-nagpagawa-ng-gym-sa-bahay-para-kay-ion-enzo-michelle-nagpapakaligaya-sa-bora

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/290461/pandemic-effect-ad-binatikos-ng-netizenz-belo-nag-sorry-the-film-is-insensitive-and-upsetting

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending