Liza Soberano kabog ang first TV guesting sa South Korea Bandera

Liza Soberano kabog ang first TV guesting sa South Korea

Therese Arceo |July 27,2022
share this

Liza Soberano kabog ang first TV guesting sa South Korea

Therese Arceo - July 27, 2022 - 09:34 PM

Liza Soberano kabog ang first TV guesting sa South Korea

POPULAR now ang aktres at girlfriend ni Enrique Gil na si Liza Soberano matapos ang kanyang first TV show guesting sa South Korea nitong Lunes, July 25.

Super pretty at talaga namang bongga ang kanyang appearance sa “Not Hocance But Scance” ng MBN Entertainment.

“Had my first ever [Korean] show guesting tonight on MBN’s ‘Not Hocance But Scance,’” pagbabahagi ni Liza sa kanyang Instagram story.

Nagpasalamat rin ang dalaga sa naging mainit na pagtanggap sa kanya ng mga bumubuo ng programa.

“Thank you to the hosts and guests of the show for making the experience fun and comfortable!” she continued, tagging the Korean hosts Ye Ji-won, Soyou, Nicole Jung, and Ji-Young Kang,” dagdag pa ni Liza.

Sa isang video na inilabas ng MBN Entertainment sa YouTube ay makikita ang dalagang masayang nakikipagkuwentuhan habang kumakain ng barbeque.

“I’m a huge fan of like K-pop and K-drama so I want to like try to find work here,” pagbabahagi ni Liza.

Natanong rin siya kung ano ang dahilan kung bakit nais niya sa South Korea.

“It started with K-pop, then I started watching dramas like Boys over Flowers and stuff,” sey ng aktres.

Bukod sa kanyang TV guesting ay trending rin si Liza dahil sa mga videos kung saan makikitang nakikipag-collab siya sa iba pang Korean stars gaya nina Jay Park at DK ng IKON.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Liza Soberano (@lizasoberano)

Matatandaang nauna nang ipahayag ng aktres ang kanyang kagustuhan na mag-explore sa kanyang career kaya ito nagdesisyon na magpa-manage sa talent agency ni James Reid.

Bukod pa rito ay nais niyang subukang pasukin at mag-try na magkaroon ng career sa Hollywood at Korean entertainment.

Kahit nga ang dating manager nito for 11 years na si Ogie Diaz ay suportado ang naging desisyon ni Liza na subukan ang iba pang oportunidad na nag-aantay para sa kanya.

Related Chika:
Liza never lumandi, hindi basta-basta pumapatol sa lalaki; Ogie walang sama ng loob kay James

Liza Soberano dinenay na hiwalay na sila ni Enrique Gil: We’re totally fine, he’s very supportive pa rin

Liza Soberano nakipag-collab sa Korean stars na sina Jay Park at Donghyuk ng iKON; dance video patok sa K-pop fans

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending