Liza Soberano nakipag-collab sa Korean stars na sina Jay Park at Donghyuk ng iKON; dance video patok sa K-pop fans | Bandera

Liza Soberano nakipag-collab sa Korean stars na sina Jay Park at Donghyuk ng iKON; dance video patok sa K-pop fans

Ervin Santiago |July 24,2022
facebook
share this

Liza Soberano nakipag-collab sa Korean stars na sina Jay Park at Donghyuk ng iKON; dance video patok sa K-pop fans

Ervin Santiago - July 24, 2022 - 02:00 PM

Liza Soberano, Donghyuk at Jay Park

NAPA-“SANA all” na lang ang mga K-pop fans nang bumandera sa social media ang mga video ni Liza Soberano kasama ang ilang sikat na South Korean superstars.

Viral at trending na ngayon ang dance video clips ng singer- entrepreneur na si Jay Park at si Donghyuk na member ng K-pop group na iKON kung saan nakasama nga nila ang girlfriend ni Enrique Gil.

Inggit na inggit nga ang maraming Pinoy fans ng mga nasabing Korean celebrities nang mapanood nila ang mga nasabing dance video.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Jay Park ang dance cover nila ni Liza para sa bago nitong single na “Need To Know.”

“Been killing game for so long but still so young!! Thank you!! Maraming salamat,” ang caption ni Jay Park sa kanyang IG post.

Nag-thank you naman si Liza sa K-pop star sa ibinigay sa kanyang pagkakataon na maka-collab siya sa video nito, “Had such a great time getting to know you.”

Nauna rito, naka-join din ni Jay Park sa isang dance video ang actor-singer-producer na si James Reid na siya ring bagong manager ni Liza.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Liza Soberano (@lizasoberano)


“With my new homie @james !! Actor/artist/songwriter/entrepreneur The young man is killin the game! Appreciate u brotha!” ang caption ng Korean singer sa IG post nito.

Samantala, umeksena rin si Liza sa isang TikTok video ni Donghyuk ng iKON at in fairness, mismong sa TikTok account ng Korean artist star in-upload ang nasabing clip.

Kamakailan, naging hot topic din sa social media ang pagbisita nina James at Liza sa South Korean agency na Starship Entertainment. Maka-bonding din nila si BamBam ng GOT7.

Last June, kinumpirma ni Liza na umalis na siya sa pangangalaga ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz at lumipat na nga sa talent agency ni James.

“It’s weird because he’s my contemporary. I always saw him as a co-actor or co-artist of some sort so whenever we work together, it’s like I didn’t take him too seriously but honestly he has a lot to offer,” pahayag ni Liza patungkol sa bago niyang manager.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maluwag namang tinanggap ni Ogie sa kanyang puso ang pag-alis ni Liza sa poder niya. Hiling daw niya na makamit ng dalaga ang kanyang “Hollywood dream.”

Aiko Melendez, Jay Khonghun napag-uusapan na ang kasal; kering-keri ang LDR ngayong eleksyon

Jay, Angeli, Sean walang arte-arte sa shooting ng ‘Mahjong Nights’, lahat palaban

Aga napiling host sa bagong game show ng NET 25; Aiko, Jay 4 years nang magdyowa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending