Anak ni Vhong nilait-lait ng bashers, hindi raw mukhang artista

Anak ni Vhong Navarro nilait-lait ng bashers, hindi raw mukhang artista

Ervin Santiago |February 21,2024
facebook
share this

Anak ni Vhong Navarro nilait-lait ng bashers, hindi raw mukhang artista

Ervin Santiago - February 21, 2024 - 10:47 AM

Anak ni Vhong Navarro nilait-lait ng bashers, hindi raw mukhang artista

Bianca Lapus, Yce Navarro at Vhong Navarro

GRABE talaga kung makapanglait ang ilang netizens! Knows n’yo ba kung paano nila inokray ang anak ni Vhong Navarro na sumabak na rin sa showbiz?

Isa ang binatang anak ng “It’s Showtime” host na si Yce Navarro sa mga papasok na bagong karakter sa ABS-CBN primetime series na “FPJ’s Batang Quiapo” na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Pero may ilan ngang haters ang umariba agad sa pangnenega kay Yce at sinabihang hindi raw ito mukhang artista at hindi rin daw nalalayo sa itsura ng kanyang tatay.

Meron pa ngang nagsabi na mukhang umiral na naman daw ang “palakasan” sa pagkuha ng mga guest stars sa “Batang Quiapo” kaya raw nakapasok ang anak ni Vhong.

Baka Bet Mo: Anak ni Vhong artista na rin, pasok sa bagong cast ng ‘Batang Quiapo’

Isa rin ang isyung ito sa napag-usapan sa bagong entry sa YouTube channel na “Oras ng Opinyon, Talakayan, at Diskusyon”. Dito ipinagtanggol ng veteran showbiz columnist na si Jobert Sucaldito si Yce.

“Some of the netizens are so cruel. Kumbaga nilalait nila ‘yong bata. Nilait nila ‘yong mukha ni Yce. Kamukha raw ni Vhong. Hindi mukhang artista,” chika ni Papa Jobert.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Pero, my God, tingnan n’yo naman ‘yong mukha ng bata. In fairness naman sa kaniya, he has the looks.

Baka Bet Mo: Vhong naiyak sa pagbabalik-Showtime: ‘Ang sarap ng pagtanggap n’yo sa akin, hindi ko alam kung paano kayo pasasalamatan

“Gwapo ‘yung bata. May not be as gwapo as Gabby Concepcion pero may sarili siyang kagwapuhan,” ang sabi pa ni Papa Jobs.

Ang punto pa niya, “Huwag kalimutang ang nanay ng batang ito ay ang napakagandang si Bianca Lapus.

“Si Vhong Navarro may not be handsome as an actor. But, you know, ang entrance naman niya sa showbiz ay via pagsasayaw sa Streetboys (dating grupo ni Vhong),” dugtong pa ni Papa Jobert.

Naawa naman ang online host kay Yce dahil wala naman itong ginagawang masama at nais lamang magtrabaho at tuparin ang kanyang pangarap na maging artista.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

In fairness, may dating din naman si Yce at malakas ang appeal niya on screen. Saka hindi naman kukunin yan ni Coco kung walang ipakikitang acting. Tingnan muna natin ang performance niya bago manghusga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending