Vhong Navarro agaw pansin sa suot na palda, netizens nag-react

Vhong Navarro agaw pansin sa suot na palda, netizens nag-react

Therese Arceo |January 27,2024
facebook
share this

Vhong Navarro agaw pansin sa suot na palda, netizens nag-react

Therese Arceo - January 27, 2024 - 06:24 PM

Vhong Navarro agaw pansin sa suot na palda, netizens nag-react

USAP-USAPAN ngayon sa social media ang pagsusuot ng palda at maluluwag na pants ng TV host-comedian na si Vhong Navarro.

Tila napapadalas na raw kasi ang ganitong klase ng outfit ng “It’s Showtime” host.

Sa katunayan, isang netizen nga ang nag-post sa isang Facebook page ukol sa outfit ni Vhong.

Kuha pa nga ang screenshot habang nagho-host ito sa segment na “Tawag Ng Tanghalan”.

“Ako lang ba ang nagulat sa ootd ni Vhong kanina? Nakakatuwa lang kasi may mga straight guys na hindi takot magpalda,” saad ng netizen na nagngangalang Jin Collado.

Hindi kasi madalas na nakikitang nagsusuot ng palda ang mga “straight” na kalalakihan kaya naman ang iba ay hindi kumportable sa mga ganitong outfitan.

Pero sa halip na batikusin ay mas marami ang mga taong sumasaludo dahil tila unti-unting ipinapakita ng mga celebrities gaya ni Vhong na okay lang na basagin ang mga social comstruct na babae lang ang pwedeng magsuot ng ganoong uri ng damit.

Baka Bet Mo: Vhong Navarro aminadong hindi mapapantantayan sina Tito, Vic & Joey: ‘Walang makakatumbas sa TVJ, idol ‘yan, eh!’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Sa Pinas nalng naman ang mapangHusga, paldang palda nako pero baka tWgin tayong LiwBa or bagong tuli,” saad ng isang netizen.

Comment ng isa, “Matagal na siyang [Vhong] ng OOTD ng ganyan. Karamihan ata sa hosts ng IS may ini-endorse na clothing line/brand. Tsaka may mga kanya-kanyang stylists.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Skirts are genderless, it has been like that way before we were all born. The social construct of male outfits for males and female outfits for females became prevalent during the ‘industrial revolution era.’ This should’ve been this way ever since,” sabi naman ng isa.

May nagsabi rin na maging ang isang miyembro ng SB19 na si Pablo ay nagsusuot rin ng ganoong OOTD gaya ni Vhong.

“Yeah nakakatuwa nga eh naalala ko si pablo sa kanya sb19 ..long hair at naka palda pero super ma angas ang datingan niya,” sey ng isang netizen.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending