Anak ni Vhong artista na rin, pasok sa ‘FPJ's Batang Quiapo’

Anak ni Vhong artista na rin, pasok sa bagong cast ng ‘Batang Quiapo’

Pauline del Rosario |February 19,2024
facebook
share this

Anak ni Vhong artista na rin, pasok sa bagong cast ng ‘Batang Quiapo’

Pauline del Rosario - February 19, 2024 - 11:12 AM

Anak ni Vhong artista na rin, pasok sa bagong cast ng ‘Batang Quiapo’

PHOTO: Instagram/@yceking

MUKHANG gagawa na rin ng pangalan sa mundo ng showbiz ang anak ni Vhong Navarro na si Yce!

Ang exciting news, kinumpirma mismo ni Vhong sa kanyang social media pages.

Sa Facebook, proud na ibinandera ng TV host-actor ang latest project ni Yce bilang bagong cast ng TV series na “FPJ’s Batang Quiapo.

“Yahoo! Thank you,Lord [folded hands emoji] Nakaka-proud na mapabilang ang anak ko at makasama sa cast ng Batang Quiapo,” caption niya sa post.

Mensahe pa niya, “Goodluck Yce Navarro! [red heart emoji] Aabangan ko to!”

Baka Bet Mo: Bakit nga ba pumili ng mga social media influencers si Coco Martin na maging parte ng ‘Batang Quiapo’?

Sa comment section, maraming fans ang tuwang-tuwa at nagpaabot ng “congratulatory” messages sa bagong milestone ni Yce.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Congratulations kamukha mo talaga idol [clapping hands emojis].”

“Parang ikaw lang Kuys Vhong Navarro [red heart emoji].”

“Vhong Navarro Jr talaga nice [party popper emojis].”

“Sabi ko na kamukha mo. Haha Congratulations [red heart emoji].”

Chineck din ng BANDERA ang Instagram account ni Yce at nakita namin sa Instagram Stories ang kanyang pasasalamat na mabigyan ng proyekto.

Ramdam na ramdam din ang kanyang saya dahil makakasama niya ang ilang batikang artista.

“Isang pasasalamat po sa @dreamscapeph at sa lahat ng bumubuo ng Batang Quiapo lalo na po kay Direk @cocomartin_ph sa opportunity na to!” caption ng anak ni Vhong.

Ani pa niya, “Isang karangalan po na mapabilang sa mga mahuhusay at batikang artista sa industriya.”

Anak ni Vhong artista na rin, pasok sa bagong cast ng ‘Batang Quiapo’

PHOTO: Instagram Story/@yceking

Si Yce ay anak ni Vhong sa ex-wife at dating aktres na si Bianca Lapus.

Samantala, kabilang din sa mga ipinakilalang baguhang artista para sa “Batang Quiapo” ay ang anak nina ricky Davao at Jackie Lou na si Ara Davao, at si Renz Fernandez na anak naman ni Lorna Tolentino at namayapang Rudy Fernandez.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bagong cast members din ang veteran celebrities na sina Tessie Tomas, Nonie Buencamino, Jaime Fabregas, Elijah Canlas, Malou Crisologo, at Dan Alvaro.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending