Anjo umiiyak na nagkuwento tungkol sa naranasang depresyon, anxiety; Faye, Jelai walang inurungan sa TBATS | Bandera

Anjo umiiyak na nagkuwento tungkol sa naranasang depresyon, anxiety; Faye, Jelai walang inurungan sa TBATS

Ervin Santiago |August 15,2021
facebook
share this

Anjo umiiyak na nagkuwento tungkol sa naranasang depresyon, anxiety; Faye, Jelai walang inurungan sa TBATS

Ervin Santiago - August 15, 2021 - 09:59 AM

Jelai Andres, Anjo Damiles at Faye Lorenzo

NA-DIAGNOSE ng depression at severe anxiety ang Kapuso actor na si Anjo Damiles ngayong panahon ng pandemya.

Matapang na inamin ng binata na dumaan din siya sa matinding pagsubok noong kasagsagan ng lockdown last year dulot pa rin ng COVID-19 pandemic.

“Ang hirap i-explain when it comes to mental health, suddenly it breaks you down,” simulang pagbabahagi ng aktor sa panayam ng GMA.

“May point ako na nag-snap na lang po ako. Nawala ako sa tamang pag-iisip and it was sad to see na ganu’n,” ang emosyonal pang kuwento ni Anjo.

Ngunit sa kabila nito, napagtagumpayan niya ang mga challenges na dumaan sa kanyang buhay sa tulong na rin ng kanyang pamilya at sa pananampalataya niya sa Diyos. 

Malaki rin daw ang naitulong ng pagsangguni niya sa isang psychiatrist at ng ilang gamot na inireseta sa kanya ng kanyang doktor.

“Naiiyak ako. Kasi ang hirap niyang i-explain, ang hirap niyang ikuwento. I never told this to anyone,” aniya pa kasabay ng pag-amin na talagang natakot siya noon na biglang mawalan ng trabaho at pagkakakitaan dahil nga sa pandemya.

Hanggang sa pasukin na nga niya ang food business at ang pag-o-online games na napakalaki rin ng naibigay na tulong sa kanya at sa pamilya niya.

Mensahe ni Anjo sa mga taong patuloy na dumaranas ng depresyon at takot sa patuloy na banta ng pandemya, “Look up and pray. Always be thankful for what you have, for what is given to you.”

Payo naman niya sa lahat, huwag husgahan ang mga taong nakaka-experience ng depression at anxiety sa halip intindihan at suportahan ang mga ito.

* * *

Mas lalong paiinitin nina “Bubble Gang” sexy comedienne Faye Lorenzo at internet sensation Jelai Andres ang Sunday night n’yo dahil sila ang special guests sa bagong episode ng “The Boobay and Tekla Show.” 

Tonight, sasabak sa isang intimate interview ang dalawang aktres sa segment na “May Pa-Presscon.”

Hindi din makakaligtas sa hot seat sina Faye at Jelai dahil kailangan nila sagutin ang mga maiinit at naughty na tanong sa nakatutuwang segment na pinamagatang “Guilty or Not Guilty.”

Ibabandera rin ng Kapuso actress at sikat na vlogger ang kanilang talento sa pag-arte sa “Roleta ng Kadramahan” kung saan makikipagpalitan sila ng mga dramatikong linya sa Mema Squad.

Mapapahanga ba ng sexy actresses ang ating mga manonood o ang mga beteranong stand-up na komedyante ay higit na mas mahusay sa kanila?

Ibang level na din ang fan favorite segment na “Birit Showdown”dahil ipapakita nina Boobay, Tekla, Mema Squad, Faye, at Jelai ang kanilang “buwis buhay” stunts habang bumibirit ng mga kanta.

Para sa kaabang-abang na episode na ito, ang bumubuo sa Mema Squad ay ang mga kilalang komedyante na sina Pepita Curtis, Mariko, Kitkat, at Ian Red.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tuloy-tuloy lang ang laughtrip at kasiyahan kahit mayroong krisis. Tutukan ang bagong episode ng “The Boobay and Tekla Show” ngayong Linggo ng gabi, sa GMA lang pagkatapos ng “Kapuso Mo, Jessica Soho.” 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending