Kyline umaming natatakot mag-college; Faye Lorenzo sumugal sa seafood business | Bandera

Kyline umaming natatakot mag-college; Faye Lorenzo sumugal sa seafood business

Ervin Santiago |September 18,2020
facebook
share this

Kyline umaming natatakot mag-college; Faye Lorenzo sumugal sa seafood business

Ervin Santiago - September 18, 2020 - 09:29 AM

ISA nang ganap na freshman sa college ang Kapuso actress-singer na si Kyline Alcantara at ang kursong napili niya — Tourism.

Desidido ang dalaga na tapusin ang kanyang pag-aaral para kahit pa tuluy-tuloy ang kanyang pagtatrabaho sa showbiz.

Sa interview ng GMA, ibinahagi ni Kyline kung ano ang nag-inspire sa kanya na kunin ang kursong Tourism.

Aniya, “I want to have enough knowledge about the Philippines so pagdating ko sa ibang bansa, kayang-kaya kong ipagmalaki kung gaano kaganda ang Pilipinas.”

Dahil naka-quarantine pa rin, online muna ang classes niya ngayon, “More of nakakatakot sa akin. Kasi bagong school, e. So, lahat ng nandu’n sa school ko na ‘yon, parang kilala nila ang isa’t isa.

“And ‘yun nga first year ng college and first time ko rin mag-online talaga. I’m excited for the challenge na kung paano ko ima-manage ‘yung time ko,” paliwanag pa niya.

Samantala, napapanood pa rin si Kyline sa rerun ng “Kambal, Karibal”, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad.

                         * * *

Naki-bonding ang “Bubble Gang” mainstay na si Faye Lorenzo sa kanyang fans sa latest episode ng GMA Artist Center online show na “Hangout.”

Sa nakaraang episode ng virtual Kapuso tambayan, ikinuwento ni Faye ang mga pinagkakabisihan niya ngayong quarantine.

“Ang mga pinagkakaabalahan ko ngayong quarantine bukod sa pag-o-online game, iniistream ko, then siyempre, workout.

“Nag-try na rin akong mag-online selling mga ganu’n, mga seafood,” kuwento ng Kapuso sexy star.

Bukod sa kwentuhan, nag-enjoy rin ang kanyang fans sa game na kanyang inihanda. At siyempre, siguradong pinag-init na naman ni Faye ang kanyang male fans dahil sa kanyang taglay na kaseksihan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending