Big bike ni Billy na kasing mahal ng house & lot ibinebenta

Big bike ni Billy Crawford na kasing mahal ng house & lot ibinebenta

Ervin Santiago |May 09,2024
facebook
share this

Big bike ni Billy Crawford na kasing mahal ng house & lot ibinebenta

Ervin Santiago - May 09, 2024 - 08:50 AM

Big bike ni Billy Crawford na kasing mahal ng house & lot ibinebenta

Billy Crawford

SIGURADONG maraming rider ang magiging interesado sa ibinebentang big bike ng singer-TV host na si Billy Crawford.

Ang “plot twist” nga lang dito – ang presyo raw ng bonggang motor na ipinagbibili ni Billy ay kasinghalaga na raw ng isang house and lot.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram Stories, ipinost ng asawa ni Coleen Garcia ang litrato ng pag-aari niyang big bike.

Baka Bet Mo: Hamon ni Neri Miranda: Keri n’yo bang walang socmed sa loob ng 1 week?

“Selling this bad boi!” ang sey ni Billy sa text caption ng kanyang IG post. Pero sabi ng singer-actor, mga serious buyer lang daw ang ie-entertain niya sa pamamagitan ng DM o direct message.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Billy Crawford (@billycrawford)


Base sa nabasa naming post sa moto videographer na Neo Moto, naka-display daw sa Makina Moto Show ang rare motorcycle ni Billy.

Isa raw itong MV Agusta Rush na may maraming carbon parts at nagkakahalaga umano ng tumataginting na P4 million.

“Motor na kasing mahal ng bahay, lupa at kotse. Ito ang MV Agusta Rush na pagmamayari ni Billy Crawford.

“Found at Makina Moto Show. Mostly made of premium parts combined with high performance, mapapa sana all ka talaga eh.

“Also limited edition to so 1 of 300 siya sa buong mundo,” ang nakalagay pa sa caption ng naturang post.

* * *

Nagpaulan ng kilig sina Kim Chiu at Paulo Avelino matapos mag-trending online ang kanilang first kiss sa “What’s Wrong With Secretary Kim” ng ABS-CBN at Viu.

Damang-dama ng mga manonood ang pangmalakasang chemistry ng KimPau kaya agad na nag-trending sa X ang #WhatsWrongWithSecretaryKimPH, KIMPAU WWWSKEP26, #KimPauOnViu, at #KimChiu nang ipalabas ang episode noong May 8 (Miyerkules).

Baka Bet Mo: ‘DragDagulan’ na sa ‘Drag Den PH’, may 3 steps para maka-join sa audition

Hindi na nabitin ang fans sa pagpapakilig nina Sec. Kim (Kim) at BMC (Paulo) dahil sa wakas ay nasaksihan na nila ang matamis at makahulugang halik ng dalawa. Itinodo na rin nila ang nararamdaman para sa isa’t isa dahil ginawa na nilang opisyal ang kanilang relasyon.

Natuwa rin ang fans dahil hindi lang isa kung ‘di dalawang halik ang napanood sa episode pagkatapos mag-good night kiss ni BMC kay Sec. Kim.

“Hindi ako huminga the whole time. It was tasteful, classy, gentle and full of emotions,” komento ng netizen na si @tyrielle.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by What’s Wrong With Secretary Kim PH (@whatswrongwithsecretarykimph)


“Grabe akala ko mauudlot na naman, sumasakit na nga Ang dibdib ko pag di natutuloy. Anong meron kayo kimpau at halos mabaliw na kami sa inyo! Senior na super kilig pa rin ang nararamdaman ko! Teenager lang ang peg!!! I can’t wait for the next episode,” sabi ni @nprangelo.

“There’s something on this pairing that even scenes like this are just too cute for me at their age. #kimpau remains wholesome, it wasn’t sloppy the way I perceived it but , the love still reflected on the screen,” post ni @kimpau8890.

Tuloy-tuloy din ang kilig online matapos mag-post ang Viu ng behind-the-scenes photos at videos ng KimPau habang nasa set.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Libre at eksklusibong napapanood ang “What’s Wrong With Secretary Kim” sa Viu.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending