Billy Crawford inaming request ng kanyang ama ang magkabati sila ni Vice Ganda

Billy Crawford inaming request ng kanyang ama ang magkabati sila ni Vice Ganda

Therese Arceo |November 10,2023
facebook
share this

Billy Crawford inaming request ng kanyang ama ang magkabati sila ni Vice Ganda

Therese Arceo - November 10, 2023 - 01:10 PM

Billy Crawford inaming request ng kanyang ama ang magkabati sila ni Vice Ganda

INIHAYAG ng singer, actor, at TV host na si Billy Crawford na hiniling ng kanyang ama ang magkaayos sila ng kaibigang si Vice Ganda.

Nitong Huwebes, November 9, nag-perform ang Team Vice, Jackie, at Cianne para sa kanilang taunang “Magpasikat” performances bilang pagdiriwang ng anibersaryo ng “It’s Showtime”.

At isa nga sa nagpagulat sa kanilang performances ay ang pagsulpot ng dating “It’s Showtime” hosts at mag-asawang sina Billy at Coleen kasama ang kanilang anak na si Amari.

Aware naman ang lahat na nagkaroon ng tampuhan ang dalawang matalik na magkaibigan at matagal na hindi nag-imikan.

At sa kanyang muling pagtapak sa “It’s Showtime” stage ay ibinahagi ni Billy na isa nga sa mga hiling sa kanya ng ama ay ang pagbabati nilang dalawa ni Vice.

“Marami akong realizations this past month, kababalik ko lang galing States, at kakakita ko lang kasi ng daddy ko. Hindi ko kasi alam kung hanggang kailan ang daddy ko sa mundong ito.

Baka Bet Mo: Vice Ganda, Billy Crawford nagkaayos na matapos ang ilang taong samaan ng loob: Regalo natin ito sa madlang pipol

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Alam mo ba ang bilin niya sa akin? Is mag-ayos tayo. Sa lahat ng hindi nakakakilala sa tatay ko, siya po ay amerikano. Hindi po marunong magtagalog pero alam niyang may hindi magandang pangyayari nang iilang taon,” pagbabahagi ni Billy.

Batid niyang wala silang kontrol sa request ng kanyang ama pero naniniwala siyang ang muli nilang pagkakaayos ni Vice ay plano ng Diyos para sa kanila.

Dito nga niya inihayag ni Billy na dapat hindi matutuloy ang kanilang pagpunta sa “It’s Showtime” dahil may taping ito ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay may nangyari kaya pinayagan siya na makapag-guest sa performance ni Vice.

“Nahanap ko ang aking asawa, at nabuo ang aking pamilya, nang dahil dito sa programang ito. Para sa akin, it really doesn’t matter kung saan ka, ang importante kasi, eto, lahat ng ito ay iisa lang naman, puro puso, mahal namin ang isa’t isa.

“Lahat ng pamilya nagkakaaway, nagkakalabuan, pero at the end of the day, in God’s time, siya na rin ang bahalang mag-aayos. Kaya on my end, I want to say, I’m sorry [Vice],” ani Billy.

Humingi rin ng tawad ang singer-actor sa madlang pipol at mga Kapamilyang manonood.

“I’m sorry madlang pipol, I’m sorry Kapamilya, but myself, nagpapakumbaba lang ako, na gagawin ko kasi ang lahat para sa aking pamilya. And kasama na rin po kayo doon madlang people.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I really want to thank you everyone for the support and love, amidst sa lahat ng nangyari, but I just wanna say, Vice, I love you,” sey pa ni Billy.

Related Chika:
Billy Crawford hindi pa rin nakakausap sina Vice Ganda at Anne Curtis matapos lumipat sa TV5

Vice, Billy in-unfollow ang isa’t isa sa Instagram; may tampuhan nga ba?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending