Vice, Billy in-unfollow ang isa't isa sa Instagram; may tampuhan nga ba? | Bandera

Vice, Billy in-unfollow ang isa’t isa sa Instagram; may tampuhan nga ba?

Ervin Santiago |November 15,2021
facebook
share this

Vice, Billy in-unfollow ang isa’t isa sa Instagram; may tampuhan nga ba?

Ervin Santiago - November 15, 2021 - 03:17 PM

Vice Ganda at Billy Crawford

USAP-USAPAN ngayon ng mga netizens sa social media ang umano’y pag-unfollow sa Instagram nina Vice Ganda at Billy Crawford.

Kaya ang nagkakaisang tanong ng kani-kanilang mga tagasuporta ay kung may away o may hindi pagkakaintindihan ang magkaibigan.

Ilang netizens ang nag-post ng screenshots ng IG accounts nina Vice at Billy at makikita nga roon na hindi na nila pina-follow ang isa’t isa sa Instagram na dating magkasama sa “It’s Showtime.”

Dahil dito, tsinek nga namin ang following nina Vice at Billy sa IG at pareho ngang hindi na lumalabas ang kanilang account sa page ng isa’t isa.

May mga netizens ang nagkomento na baka raw naapektuhan na talaga ang kanilang friendship dahil sa mga pagpaparinig ni Vice patungkol kay Bobet Vidanes.

Si Bobet ang dating direktor ng programa nina Vice na “It’s Showtime” sa ABS-CBN na direktor na ngayon ng noontime show sa TV5 na “Lunch Out Loud.” 

Nitong mga nakaraang araw ay may mga parinig umano si Vice patungkol kay Bobet, kabilang na ang episode kung saan inanunsyo nilang magiging regular host na ng noontime show si Ogie Alcasid.

More than one year nang hindi magkatrabaho sina Billy at Vice pero wala namang nababalitang negatibong isyu tungkol sa kanilang friendship.

View this post on Instagram

A post shared by Billy Crawford (@billycrawford)


Sa katunayan, noong lumipat si Billy sa TV5 last year para maging host ng “LOL” na kalaban ngayon sa timeslot ng “Showtime” ay siniguro nitong hindi raw maaapektuhan ang kanilang friendship ng isyu ng network transfer.

Sa isang episode ng “Showtime” last year ay nagbitiw din ng makahulugang biro si Vice na pinaniniwalaang may kinalaman sa TV host-singer at aktor. 

Sa isang segment ng programa  pumipili ang mga host ng mga winners via Twitter na gumamit ng kanilang hashtag for the day. Sa nasabing episode ang hashtag nila ay #SolidShowtimerAko.

Habang namimili ang mga hosts, biglang humirit si Vice na kunwari’y nakapili na siya ng winner. Aniya, “Ayan, o! @billycrawford.”

Nagtawanan naman ang mga kasamahan ng TV host-comedian sa show sabay dialogue ni Kim Chiu ng, “Andiyan si Tita Cory (Vidanes, ABS-CBN executive).”

Kung matatandaan, noong September, 2020 naman ay nakachikahan pa ni Vice si Billy at ang wifey nitong si Coleen Garcia sa kanyang online talk show.

Sabi ni Vice kay Billy sa nasabing interview tungkol sa paglipat nito sa TV5, “I love you, at gagalingan mo sa mga gagawin mong trabaho. At alam mo, sa pamilya, di ba, meron kang kapatid na lilipat ng bahay.

“Pero hindi porke’t lilipat siya ng bahay, hindi mo na siya kapatid, hindi mo na siya kapamilya, hindi mo na siya mahal.

“Kaya kahit lumipat ka ng bahay, kahit saang bahay man tayo magpunta, magkakapamilya… Family kita. At mahal na mahal kita,” pahayag pa ni Vice.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi pa naglalabas ng statement sina Vice at Billy tungkol sa isyung ito. Bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag ng magkaibigan kung totoo ngang meron silang tampuhan o hindi pagkakaunawaan.

Billy sa lahat ng haters: I’m not perfect, nagkakamali lahat ng tao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending