Vice Ganda mas ‘hype’ sa pagbabalik ng ‘It’s Showtime’

Vice Ganda mas ‘hype’ sa pagbabalik ng ‘It’s Showtime’: Mas lalong na-strengthen ang bond namin…

Pauline del Rosario |November 03,2023
facebook
share this

Vice Ganda mas ‘hype’ sa pagbabalik ng ‘It’s Showtime’: Mas lalong na-strengthen ang bond namin…

Pauline del Rosario - November 03, 2023 - 09:10 AM
Vice Ganda mas ‘hype’ sa pagbabalik ng ‘It’s Showtime’: Mas lalong na-strengthen ang bond namin…
PHOTO: Instagram/@praybeytbenjamin

ILANG araw makalipas ang comeback, sinabi ng Unkabogable Star na si Vice Ganda na “stronger than ever” ang mga host ng noontime show na “It’s Showtime.” 

Ayon sa kanya, dahil isa na itong bagong chapter upang lalong makapagbigay ng inspirasyon sa madlang pipol.

Magugunitang noong October 28 nang bumalik ang programa matapos tuparin ang ipinataw na 12-day suspension ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Sa sideline ng Opulence Halloween Ball kamakailan lang, inamin ni Vice na mas “hyped” sila ngayon matapos ma-miss ang kanilang supporters sa kanilang pagkawala.

“Masarap,” saad ng komedyana nang tanungin kung ano ang kanyang pakiramdam sa pagbabalik ng “It’s Showtime.”

Baka Bet Mo: Vice Ganda naiyak sa sinapit sa isang airlines: Grabeng pang-aabala at perwisyo ang dinulot mo sa masaya sanang trip na ito!

Dagdag pa niya, “Mas hype kami ngayon kasi kahit 12 days kami nawala, namiss namin ang pang-araw araw naming ginagawa sa TV at [magbigay-saya] sa madlang people at magbigay inspirayon sa kanila kaya sobrang excited kami bumalik.”

Nabanggit din ng TV host ang naging recent trip sa Hong Kong ng buong cast ng noontime show.

Kwento ni Vice, nagsilbi itong team building nila kaya mas naging matibay ang pagsasama nila.

“Ang saya kasi we haven’t done it in so long,” sey niya.

Sambit pa niya, “Ilang years na rin [since our last trip together]. Simula sa umaga, magkasama kami at hindi kami naghihiwalay.”

“Dati kasi, [pagkatapos ng ‘It’s Showtime’], may sarili na kaming ganap. Mas lalong na-strengthen ang bond namin,” chika pa niya.

Kasunod niyan ay inamin ng komedyana na maging malaking tulong ang kanilang bakasyon pagdating sa physical at mental health nila.

“Hindi kami nakakapag-bakasyon nang tuloy-tuloy. Usually kasi, ang bakasyon namin may kasabay [na trabaho],” sambit ni Vice.

Paliwanag pa niya, “Malaking [bagay] na nagkaroon kami ng pahinga kasi mahalagang ipahinga ang aming physical and mental condition.”

Related Chika:

Jennylyn Mercado game na game na sa kanyang showbiz comeback: Naghahanda na ako!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ate Vi nag-bow sa mga host ng ‘It’s Your Lucky Day’, Andrea napaluha dahil sa kanyang ate: ‘Siya ang naging nanay at tatay ko’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending