Ate Vi nag-bow sa mga host ng 'It’s Your Lucky Day', Andrea napaluha dahil sa kanyang ate: 'Siya ang naging nanay at tatay ko' | Bandera

Ate Vi nag-bow sa mga host ng ‘It’s Your Lucky Day’, Andrea napaluha dahil sa kanyang ate: ‘Siya ang naging nanay at tatay ko’

Ervin Santiago |October 22,2023
facebook
share this

Ate Vi nag-bow sa mga host ng ‘It’s Your Lucky Day’, Andrea napaluha dahil sa kanyang ate: ‘Siya ang naging nanay at tatay ko’

Ervin Santiago - October 22, 2023 - 07:54 AM

Ate Vi nag-bow sa mga host ng 'It’s Your Lucky Day', Andrea napaluha dahil sa kanyang ate: 'Siya ang naging nanay at tatay ko'

Andrea Brillantes, Vilma Santos, Luis Manzano at Shaina Magdayao

SALUDO ang nag-iisang Star For All Seasons na si Vilma Santos sa lahat ng hosts ng noontime game show ng ABS-CBN na “It’s Your Lucky Day”.

Talagang nag-bow pa ang award-winning veteran actress sa mga host ng programang pansamantalang pumalit sa “It’s Showtime” sa pangunguna ng kanyang anak na si Luis Manzano.

Isa si Ate Vi sa mga naging special guest sa “It’s Your Lucky Day” kahapon kung saan naging emosyonal pa nga ang aktres at dating TV host nang ipakilala siya ni Luis sa madlang pipol.

Ayon sa movie icon, kapuri-puri at kahanga-hanga ang pagiging selfless ng mga host at staff ng programa dahil buong puso nilang tinanggap ang offer ng ABS-CBN kahit alam ng mga ito na 12 days lang tatagal ang show.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vilma Santos Recto (@rosavilmasantosrecto)


Sabi pa ni Ate Vi, nagpapatunay ito ng pagmamahal at dedikasyon ng mga taong involved sa show na makapagpasaya ng mga manonood kahit sa loob lamang ng dalawang linggo.

Pagkatapos nito, magbabalik na sa ere ang “It’s Showtime” after ng kanilang 12-day suspension.

“I’d like to commend all of you, of course anak (Luis), at lahat-lahat kayo na nasa ‘It’s Your Lucky Day’ family.

Baka Bet Mo: Vilma 60 years na sa showbiz: Imortal na ang Dyesebel at Darna na everytime pag-uusapan ‘yun, mababanggit ako…

“I’d like to commend them kasi sa ating mga artista, akala nyo po ba madali po yung sabihin na, ‘we’re offering you pero 12 days lang na show.’ Hindi ho madali yun pero itong ‘It’s Your Lucky Day’ tinanggap nila dahil hindi sila selfish,” mensahe ni Ate Vi.

“Twelve days kasi ipapasok lang sila dahil alam naman natin yung mga kaganapan. Pero selfless sila kasi gusto ituloy pa rin yung entertainment at yung pupwedeng swerteng ibigay pa sa mga tao,” aniya pa sabay nag-bow sa harap ng mga hosts na ikinabigla ng lahat.

Samantala, tuwang-tuwa naman si Andrea Brillantes nang kunin siya bilang guest co-host sa noontime show last Saturday with Luis, Shaina Magdayao, Jennica Garcia, Petite, Divine Tetay at Bianca Umali.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe)


Mangiyak-ngiyak din ang dalaga sa naging mensahe niya viewers, “Siyempre (nakakatuwa) na makasama po kayong lahat at excited ako, kasi this is a new opportunity for me na ma-experience ko mag-host ako.

Baka Bet Mo: Vilma sa mga nagsusulong na bigyan din siya ng National Artist award tulad ni Nora: ‘If it’s for you, it’s meant for you’

“Matse-check ko na siya sa bucket list at kayo pa po kasama ko. Lagi ko po kayong pinapanood,” ang sey ng lead star ng seryeny “Senior High”.

Sa isang bahagi ng programa, hindi na napigilan ni Andrea ang maluha nang mapag-usapan ang kanyang sister at lolo’t lola na siyang nagpalaki sa kanya. Aniya, talagang ang kapatid niya ang tumayong nanay at tatay niya habang lumalaki siya.

“Kasi alam nyo minsan ang daming problem sa mundo, tapos minsan ang dami mong kaaway, minsan kapamilya mo, pero yung ate ko siya yung parang naging rock ko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Siya yung kumumpleto ng lahat. Naging nanay ko siya, naging tatay ko siya kahit hindi niya dapat dinala yun. Kasi bagets pa yung ate ko pero dinala niya yun,” pagbabahagi ni Andrea.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending